melaidedocin's Reading List
189 stories
LIES BEHIND OF LOVE by Sbashlie
Sbashlie
  • WpView
    Reads 29,629
  • WpVote
    Votes 517
  • WpPart
    Parts 22
COMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVEY- Guwapo, matangkad, matangos ang ilong at mapupulang labi na animo'y sa tuwing titignan nang-aakit na halikan. Sort of makalaglag panties ang taglay niyang kaguwapuhan. Ngunit sa kabila ng lahat na iyon ay taglay niya ang ugaling medyo bastos at brusko. Na siyang dahilan na magiging magulo at magbabago sa tahimik niyang buhay.Paano niya kaya maiiwasan ang isang gaya ni Harvey? Kung ang binata mismo ang gumagawa ng paraan para makalapit sa kanya. May pag-ibig kaya na mabubuo sa pagitan nilang dalawa? or else tuluyan niya itong kamuhian? COMPLETED. SERIES BOOK- TAKE ME TO YOUR HEART-ALFIE AND DANNAH LIES BEHIND OF LOVE- HARVEY AND KATE
Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine Despuig by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 113,759
  • WpVote
    Votes 2,261
  • WpPart
    Parts 10
TEASER: Nang dahil matinding pangangailangan sa pera. Napilitan si Sumi na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at pinangako na hindi na muling babalikan pa. At ang naging target niya, ay ang guwapo at mayaman na si Miguel Dustine Despuig. Okay na sana ang lahat ng mabuking nito ang modus operandi niya. Saka niya napag-alaman na isa pala itong pulis. Ngunit sa halip na hulihin siya nito at ikulong. Isang parusa ang ginawad sa kanya nito. Ang maging kasambahay at tumira sa piling nito. At sa pagtagal ng mga araw na nagsasama sila sa iisang bubong. Unti-unti ay nahuhulog ang loob niya dito. Hanggang sa magising siya isang umaga, na mahal ang lalaking nagmistulang anghel na pinadala sa kanya ng Diyos. Okay na sana ang lahat sa buhay niya, dahil sa pagmamahal na inuukol din sa kanya ni Miguel. Pero dumating ang isang pangyayari na siyang nagdulot ng panganib sa kanyang buhay. Handa na ba siyang iwan si Miguel, at sumuong sa kamatayan?
Car Wash Boys Series 1: Prince Daryl Rivera by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 171,652
  • WpVote
    Votes 2,827
  • WpPart
    Parts 11
"Kung sa mata ng buong Pilipinas, anak ako ng Presidente. Sa mga mata mo, gusto kong makita mo ako. Bilang isang simpleng lalaki na nagmamahal sa'yo." Teaser: Jhanine is a simple girl living a simple life. Kuntento na siya sa kung ano man ang ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos. Kung meron siyang nirereklamo sa buhay niya, iyon ay ang pang-aasar sa kanya ni Prince Daryl Rivera. Ang kababata niya at anak ng Senador. Ang simpleng pamumuhay niya ay biglang nagbago ng masangkot sila ni Daryl sa isang eskandalo at malathala ang mukha nila sa diyaryo ng magkalapat ang mga labi. Kaya nang magkita sila, sinalubong niya ito ng isang suntok. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya ng sa mismong harap niya at ng mga kasamahan niya sa trabaho, ay sinabi nito na in love daw ito sa kanya. At sa pagdaan ng mga araw na nagkakasama sila. Hindi na yata napigilan ni Jhanine ang sarili na mahalin ang lalaking dati'y mortal niyang kaaway. Isa lang ang tanging gumugulo sa isip niya, kayanin kaya niya na harapin ang klase ng mundo na ginagalawan nito? O mas nanaisin na lang niyang talikuran ito at bumalik sa simpleng buhay na nakasanayan niya?
Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel Meneses by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 82,185
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 10
Noon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay at pinsan ng kaibigan niya. Sa tuwina na lang na may gusto siya ay palagi nitong kino-kontra. Ang mas kinaiinis pa niya dito ay parang hindi ito nagsasawa sa pang-aasar nito sa kanya. Hindi lang iyon, naiinis din siya dito dahil guwapo ito, mabait at sobrang maalalahanin. Mga ugali nitong kayhirap balewalain. Laking gulat niya ng isang beses ay lumapit ito sa kanya at nagsabing manliligaw. Noong una ay inakala niyang biro ito, ngunit kinagabihan ay personal na humarap ito sa kanya at sa mga magulang niya. At sa pagdaan ng mga araw, pinatunayan nito ang katapatan nito sa kanya. Hanggang sa unti-unti ay mahulog ang loob niya dito. Ngunit hindi niya inaasahan na may magbabalik mula sa nakaraan niya, si Robert. Ang kanyang first boyfriend. Ngunit sa pagbalik nito, ay siya naman biglang pag-iwas sa kanya ni Mark at tuluyang paglayo nito. Bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na mahal na niya ito.
+14 more
The Tanangco Boys Series 6: Ken Charles Pederico by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 114,876
  • WpVote
    Votes 2,068
  • WpPart
    Parts 10
"The moment I laid my eyes on you. Alam ko nang ikaw ang babae para sa akin." Teaser: Dahil sa matinding problema sa pamilya, pinili ni Myca na lumayo pansamantala. At sa kanyang pag-alis, tinulungan siya ng kaibigan niyang si Abby. Doon sa Tanangco Street siya dinala nito kung saan ito nakatira. There she met, the handsome and the ever bubbly Doctor Ken Charles Pederico. Simula nang makita siya nito, hindi na siya nito tinigilan. Hanggang sa naging masugid niya itong manliligaw. At dahil sobrang kulit nito, nainis na siya dito ng tuluyan at binasted niya ito sa harap ng mga barkada nito. Dahil labis na nasaktan sa hayagan niyang pagtanggi dito. Nangako itong hindi na siya kakausapin pa. At tinupad naman nito iyon. Pero bakit hinahanap naman niya ang presensiya nito? Na-in love na ba siya ng tuluyan sa Tanangco Boy na ito?
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed) by missrxist
missrxist
  • WpView
    Reads 98,214
  • WpVote
    Votes 2,083
  • WpPart
    Parts 21
Paano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3
Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ] by HoneyVilla
HoneyVilla
  • WpView
    Reads 62,017
  • WpVote
    Votes 1,368
  • WpPart
    Parts 12
This is the story of Kim , David's ex girlfriend from the book " Ang Pag-ibig ni Lolita." -- "...I can't imagine what my life would be without you in it. You are the reason that I live, the reason why I breathe and the reason why my heart beats. Ikaw ang buhay ko Kim." Kaaway ang tingin ni Kim kay Jeremy dahil sa ginawa nitong kasalanan sa kanya noong bata pa sila. Kaya naman kahit ang binata pala ang nakaramay niya sa pinakamalungkot na gabi ng kanyang buhay ay hindi nabawasan ang disgusto niya dito. Dahil dito, nakipagpustahan sa kanya si Jeremy, "kapag ako ang nanalo, bibigyan mo ako ng isang linggo para makumbinsi kitang magugustuhan mo ako." Ngunit natalo siya sa pustahan nilang iyon kaya naman wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa napagkasunduan nila. Pero tila nga yata pinaglalaruan siya ng tadhana dahil bigla siyang na-inlove kay Jeremy. Wala naman sana silang problema dahil sinabi nitong mahal din siya nito. But right in the middle of their seemingly perfect relationship, she discovered Jeremy's secret. And then she wondered, is it just a lie when he told her that she was his life?
The Fierce Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 60,700
  • WpVote
    Votes 1,123
  • WpPart
    Parts 10
Sa buong buhay ni Jaeda hindi niya pinangarap na maging tulad ni Batman na magkaroon ng isang secret identity. Pero hindi naiwasang maging ganoon ang sitwasyon dahil talo pa ang bawal na gamot nang malulong siya kay Spencer Aaron Mapa. She became addicted to both car racing and her idol. Kaya para maitago sa mga kaibigan at pamilya-na alam niyang kokontra-ay nabuhay ang mysterious lady racer na si "Lady J". Alam niyang sa ganitong paraan ay mabilis siyang mapapalapit sa iniidolo. Hindi niya inaasahang matutupad din ang kahilingan niyang iyon. Ang akala niya ay handa na siya kung saka-sakali pero hindi niya napaghandaan ang mabilis na pagkakahulog ng puso niya para rito. Okay lang sana iyon kung hindi lang nito mahal ang matalik niyang kaibigan. Isama mo pang gustong makipagbalikan dito ng Barbie-look-a-like ex nito. At ang pinakamalupit ay mukhang nagkakagusto na rin ito kay Lady J. Ilang babae pa ba ang mali-link dito? Talo pa siya ng secret identity niya dahil kahit kailan ay hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Pakbet na mapait!
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR) by Cornynorte
Cornynorte
  • WpView
    Reads 110,558
  • WpVote
    Votes 1,594
  • WpPart
    Parts 18
"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang gag show. Akala pa naman ni Wynona ay natagpuan na siya ng kanyang "The One." Muli silang nagkita ng lalaking nag-"propose" sa kanya. Ito pala si Apollo, ang bago niyang boss. At ang unang trabaho niya ay samahan ito sa isang lugar na wala yata sa mapa ng Pilipinas at pinamamahayan yata ng mga baliw. Hindi akalain ni Wynona na bibilis ang tibok ng kanyang puso kapag nasa malapit si Apollo. Paano ba namang hindi, nang ma-trap sila nang ilang araw sa kung saan-saan ay nakita niyang lovable naman pala ang playboy na ito. At ang puso niya, hindi immune sa mga lalaking lovable. Akala ni Wynona, happy ending na dahil ang lalaking lovable, nangako ng forever at naniwala naman agad siya. Pero nang makabalik na sila sa Maynila, humingi si Apollo ng space para sa magsisimula pa lang sana nilang relasyon. Hindi naman ito astronaut, bakit nito kailangan ng space? Nasaan na ang pangako nitong forever? Nganga?
Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 293,067
  • WpVote
    Votes 5,251
  • WpPart
    Parts 29
"And I'm still hoping that I could reach the Sky someday." Iyon ang buong buhay na yatang pangarap ni Alayna. And for her, her sky was Skye-ang gwapo, mayaman, at matalino niyang kababata na nakasanayan na niyang habol-habulin buong buhay niya samantalang nakasanayan naman nitong itaboy siya sa tuwina. Pero hindi siya kailanman nagalit sa lalaki kahit buong buhay na rin nitong dine-dead-ma ang mga efforts niyang mapansin nito. Kuntento na siyang nakikita ito at nakakasama kahit siya lang naman lagi ang nag-i-initiate ng mga pagkikita nila. Kaya naman hindi niya napaghandaan nang bigla ay magbago ang ihip ng hangin at bigla ay parang ito naman ang nagpapapansin sa kanya. At dahil matagal na rin iyong inasam ng puso niya ay lalong lumalim ang nararamdaman niya para kay Skye. Ngunit hindi lang pala ang pagbabago sa setup nila ang hindi napaghandaan ni Alayna. Because while she was falling even more in love with him, she was opening up herself for the worst pain she had yet to experience.