adorasgetuya's Reading List
4 stories
NOW OR NEVER (COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 450,221
  • WpVote
    Votes 15,671
  • WpPart
    Parts 27
THORPE SERIES #3 (This is Nathan Thorpe's story. SIya ang isa sa kambal na anak ni Brian Thorpe at Alex Marquez sa The Jilted Bride.) ********** Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Desperada. Damsel in distress. Hayok sa UK visa. Ganoon ang pagkakilala ni Nathan Thorpe kay Aalia Carlson. Hambog. Bastos. Kaibigan ng scammer. Iyon naman ang impresyon ni Aalia kay Nathan. Sabi nga nila, birds of the same feather flock together kaya naniwala rin ang dalaga na isa ring walanghiya si Nathan. Subalit nang mangailangan siya ng matitirhan sa London ay nagmagandang loob ang binatang patuluyin siya sa townhouse nito. Mababago kaya ng pagtira nila sa iisang bubong ang impresyon nila sa isa't isa?
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 553,160
  • WpVote
    Votes 18,990
  • WpPart
    Parts 32
NORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, minalas siyang mapabilang sa pamilya na may mga kuyang pinaulanan ng Diyos ng kaguwapuhan at kakisigan. Tuloy ay tumataas ang kilay ng sinuman kung sasabihin niyang kapatid niya ang mga kuya niya. Idagdag pa ro'n ang pagkakaroon niya ng mga kaibigang gaya nila Ysay at Leigh na sadyang lingunin ang kagandahan at kaseksihan. Kaya nang makilala niya ang isang Lukas Borsett, isa sa mga Norwegian engineers na nakatoka sa hotel project ng kompanyang pinagtatrabahuhan, ni hindi niya inisip na magkakagusto ito sa kanya. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang blonde hunk na isa sa pinagkakaguluhan sa upisina nila ay sa kanya manligaw? Pero totoo nga naman kaya ito? O baka ginu-good time lang siya ng damuho. Baka tama ang narinig niyang tsismis na isa lamang siya sa Filipina conquests nito. Pagkakatiwalaan pa kaya niya ito o maghahanap na lang siya ng Pinoy na magkakagusto sa isang katulad niya?
YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 474,926
  • WpVote
    Votes 14,264
  • WpPart
    Parts 37
Akala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlakan niya sa pagdating ni Aya Sugawara, ang babaeng ninanais ng kanyang Otōsan na mapangasawa ni Ryu. Makakaya kaya niyang ipaubaya ang lalaking labis na minamahal para sa kapakanan ng lahat? To better understand the story, read Book 1. Copyright © 2014 Gretisbored ALL RIGHTS RESERVED
OPLAN: Ali Benitez! (COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 342,388
  • WpVote
    Votes 8,734
  • WpPart
    Parts 13
Pinaniniwalaan ng lahat na bading si Ali, ang pinakaguwapo at pinakamagaling na manlalaro ng PBA. Tingin nga ni Stephanie, walang duda. Miyembro nga ito ng federacion. May lalaki bang humahalik at yumayakap sa kapwa niya lalaki? Iyan ang una niyang nasaksihan nang manmanan niya ito. Ganunpaman, habang tumatagal, napapansin niya ang sariling nahuhumaling sa "bading" na amo. Kung kailan nahulog na ang kalooban niya rito saka naman nito nabuking ang pinakaiingatan niyang sekreto! Magtatagumpay kaya siya sa misyon niyang gawin itong lalaki? This is formerly known as "My Driver, My Lover". Pinalitan ko lang ang title :)