MC Classics/ Collections
15 stories
The Farmer And The Heiress by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,218,372
  • WpVote
    Votes 31,260
  • WpPart
    Parts 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya. Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda. Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya. Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 597,275
  • WpVote
    Votes 12,023
  • WpPart
    Parts 18
"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang an payat at matangkad na Emilio noon ay isang guwapong "hunk" na ngayon? Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon.
Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 989,251
  • WpVote
    Votes 18,726
  • WpPart
    Parts 21
"You may have an enchanting smile and eyes that look deep into a man's soul but I am immune to the likes of you, Judy..." Labing anim na taon si Judy nang ipagtabuyan siya ng ina at ng stepbrother sa Hacienda Esmeralda pabalik ng Maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Makalipas ang anim na taon ay dumating muli sa buhay niya si Jose Luis Esmeralda, ang panganay na anak ng lalaking muling pinakasalan ng ina niya. Pinilit siya nitong iuwi ng Hacienda Esmeralda dahil sa isang trahedyang kinasangkutan ng ina. Para dito ay isa siyang masamang babae. Iyon ang pagkakilala ni Jose Luis sa kanya kahit noong panahonng siya'y dalagita pa lamang. Pero bakit nais nitong pakasalan siya sa kabila ng pagkakaalam niyang kinasusuklaman siya nito?
Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 950,977
  • WpVote
    Votes 18,845
  • WpPart
    Parts 22
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya. Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?
Almost A Fairy Tale  by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 615,787
  • WpVote
    Votes 12,119
  • WpPart
    Parts 25
"I want you, Ella. At alam kong iyan din ang nararamdaman mo para sa akin. So, please don't let that stupid frog come between us."
Mga Latay ng Pag-ibig by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 504,782
  • WpVote
    Votes 8,543
  • WpPart
    Parts 17
"The she-devil had no right to torture him like this. Just the sight of her made him not all over!" Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga. Hanggang kay Daniel...Ang kaisa-isang lalaking hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa sarili niyang latigo.
Impostor - COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,550,695
  • WpVote
    Votes 34,894
  • WpPart
    Parts 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
Midnight Phantom by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 842,472
  • WpVote
    Votes 19,079
  • WpPart
    Parts 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon. Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao? Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping. Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.
For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 698,519
  • WpVote
    Votes 13,639
  • WpPart
    Parts 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,103,003
  • WpVote
    Votes 24,274
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!