katriciana
"I will make you life a leaving hell"-the criminal said.
"Oh really? Then do it! Do you think Im afraid?"
Sa totoo lang nilalaksan ko nalang ang loob ko at ayomo ipakita ang kahinaan ko sa isang tulad nya dahil kung ipapakita ko sa kanya mas matutuwa at mapapadali sa kanyang takutin ako.
"I like your personality...your brave...but not that strong." Sarcastic nyang sabi kaya napataas ang kilay ko.
"Ano ba talagang kailangan mo sakin!?" Nawawala na ang pasenya kosa kanya. At natatakot na din ako baka kung anong gawin nya saking masama na ikamamatay ko.
"You." Nanlaki ang mata ko at sa oras na yun nawala sa sarili ko ang lakas ng loob. At sa oras na rin nun hindi ko na rin alam kung paano
ako makakatakas sa isang abandonadong bahay na to...ng buhay.
"P-parang awa mo na...kunin mo na lahat ng gamit ko. Yung ATM cards ko, yung cellphone ko, yung bag ko, kung gusto mo bibilhan pa kita ng bahay at lupa at 5 milyon!...w-wag mo lang ako saktan at hayaan akong makauwi sa pamilya ko...parang awa mo na..." mukha namang nakukumbinsi ko sya at nagpaawa effect pa ako saka yumuko...
"Tama ka nga..." napatingin naman ako sa kanya na nakangisi.
"...pero pano ako makakasiguro na maibibigay mo sakin yang sinasabi mo?" Patuloy nya pa. Pano nga ba?
"Pakawalan mo ako dito sa gapos na toh dahil tatawagan ko ang secretary ko." Sige. Sige. Tama tong naiisip mo...ipagpatuloy mo lang.
Sumangayon naman sya kaya tinanggal na nya ang gapos ko sa kamay at paa at nang makatayo na ako...
Sinipa ko sya sa sikmura na ikinatumba nya sa sahig at pinagsisipa ang tyan nya dahilan para mapaubo sya ng dugo...wow...I really dont know why Im doing this.
Nang makuntento ako agad kong kinuha ang gamit ko at tumakbo papunta sa pintuan at sinubukang buksan pero di ko magawa...
Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng lalaking nagdukot sakin at laking gulat ko na nasa likod ko na pala sya...HOLY SHIT!!!