Kryxth
Si Aeron Lucero ay isang architect-slash-business consultant. Seryoso, laging may plano, at tila laging may gustong baguhin. Siya ay may malinaw na layunin at plano na tapusin ang proyektong Dimasalang Plaza Redevelopment Project, makuha ang promosyon, at patunayan sa lahat na karapat-dapat siya sa pangarap niyang karera.
Pero hindi kasama sa plano niya si Sola Reyes, ang matapang na panadera, laging may harina sa pisngi at may paninindigan sa puso. Ang babaeng hindi sumusuko sa laban, kahit na unti-unti nang ginigiba ang mundo niya.
Hindi sila magkasundo. Sa gitna ng bangayan, asaran, at mainit na laban ng prinsipyo, may mas malalim palang nangyayari. Habang lalong lumalalim ang bangayan nila, mas lalo rin siyang nalulunod sa presensya ni Sola. Nahuhulog na siya. At ngayong nahuhulog na siya, kailangan niyang mamili. Ang proyektong mag-aangat sa kanya, o ang babaeng unti-unting bumabago sa puso niya?
Hindi lahat ng planado, natutuloy-lalo na kung puso na ang nadadamay.