METAPORIKAL
Pag-ibig.
Karaniwang hinahanap nang karamihan sa mundong ating ginagalawan. Napakahiwaga nito,mapanakit,mapanlinlang yet, marami paring umaasa na someday,someone will love their imperfections,embrace who they are and will put a lot of effort para mapasaya ang partner nila.
Nagmahal ka na ba sa murang edad? Marami bang tumutol sapagkat ang katwiran nang karamihan ay "Bata ka pa,it's just an infatuation. Hindi ka nagmamahal, Mahal mo lang siya because you're longing for love,to be loved by others na pakiramdam mo ay hindi ma-ibigay sayo ng sarili mong pamilya. Magkakaroon lamang kayo ng kasalanan sa isa't-isa."
Paano mo nga ba masasabi or nasabing nagmahal at magmamahal ka? Sa kilig ba? Sa mga time na inilalaan niya para saiyo? O alam mong magmahal ka dahil sa sakit na ipinadama niya? Well, sabi nga nila, Hindi ka tunay na nagmahal kung hindi niyo naranasan ang pasakit nang pag-ibig.
Paano kung natagpuan mo nga siya, Handa ka bang sumugal? Handa ka bang bitawan ang puso mo at ibigay sakaniya ng buong-buo kahit na alam mong balang-araw iiwan mo siya at pareho kayong magdurusa dahil pinagtagpo kayo ng mapaglarong pag-ibig sa magka-ibang mundo, oras at panahon.