Miss_Manunulat21
The Witchy World of Witney
(Saving the Academia de Witchyleya)
Ni Miss_Manunulat21
(Fantasy, Thriller, Lovestory)
Prolouge
'Wellcome to youre new school, Witney.' Saad ni mama.
'Wellcome to Academia de Witchyleya,' Basa ko sa nakasulat sa napakalawak at napakalaking gate na nasa harapan ko namin ngayon.
Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng kakaiba. Kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Nakakapanibago.
'Tara na?! Pasok na tayo.' Anyaya ni Mama, na syang nagpabalik sa akin sa aking diwa.
Bigla ay nagtaka naman ako.
'Eh? Paano tayo papasok ma?!' Kasi naman e ang laki kaya ng gate at tyaka nakasarado. Kung tutuusin parang pader nga lang tong nasa harap namin, pero may naka lagay lang na pangalan ng school.
'Hmm, tara na! Makakapasok tayo.' Anyaya nya at naunang maglakad patungo sa gate na mukhang pader.
'Ma---.' Di ko na natapos ang sasabihin ko ng maglaho si Mama. Hala! Saan na si Mama?
'Bilis na witney male-late ka na!!' Narinig kong saad ni mama mula sa loob ng pader.
Huminga muna ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko bago dahan-dahang nagtungo sa pader at pumasok.
'Dilat na Witney!' Utos ni mama, kaya naman dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko.
'Wow!!!!' Nausal ko ng makita ko ang nasa loob ng school ko. 'Ang ganda at ang lawak!!!!'
Buti na lang pala nilipat ako ni Mama ng School. Hihihi..
~~~~~~~~~~
Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Witney sa pagpasok nya sa bago nyang school? Babagohin ba ang buhay nya rito? May malalaman ba sya tungkol sa kanyang pagkatao? Ano ba ang mangyayari sa Academia de Witchyleya?
Abangan...
**************************
Hello po, please support my first story in Wattpad. Enjoy, reading!!!