leyley1605's Reading List
3 stories
I Love You Since 1892 (Carmela <3 Juanito) by binibini_yhan
binibini_yhan
  • WpView
    Reads 82,818
  • WpVote
    Votes 850
  • WpPart
    Parts 3
"I LOVE YOU SINCE 1892" Ito ang kwentong sinubay-bayan at minahal ng bawat tao Ito rin ang kwento kung saan lalabas ang lahat ng emosyon mo Ito ang kwento na magtuturo sayo kung paanu magmahal ng totoo Na hindi lang puro pangako, kundi pagmamahal na buong puso. Ito ang patunay na kahit ilang daang taon man ang lumipas Kagandagan/kagwapuhan mang taglay ay kumupas Hindi mawawala ang pamamahalan nila na wagas, At mananatili ito hanggang wakas. Juanito at Carmela Karakter na hinangaan at minahal ng bawat isa Salamat sa nag iisang binibining Mia Ilang beses man kaming pinaiyak at pinaluha Hindi mababawasan aming sayo'y paghanga. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong magsulat Hindi upang magyabang o magpasikat Kundi patunayan at ipakita ang aking kakayanan Na kahit sa pangarap lang nakikita, Ako'y maging isang tulad ni Binibing Mia Hindi man ako maging kaseng galing niya Umaasa ako na sana ako ay mapansin niya Ako ay isa sa tagahanga ni Binibining Mia Nangangarap na siya ay aking makita Subalit alam kong ito'y pangarap lang, Kung kaya't sa tula ko nalang ipapakita Aking paghangang nararamdaman para sakanya Ngunit sana kahit sa isang sulyap lang, ikaw ay aking makita Mahal kong Binibining Mia... #1 in POETRY-10-04-18🙌🙋
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,338,005
  • WpVote
    Votes 196,750
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)