strawveryjamx
- Reads 134
- Votes 16
- Parts 10
Sapat nga ba ang pag-ibig para malampasan ang lahat?
Si Margaux ay lumaki sa isang pamilyang kilala sa impluwensiya at kapangyarihan. Samantalang si Morvina Aloha ay isang babaeng ang tanging hangarin ay mamuhay nang marangal, kahit paulit-ulit siyang sinusubok ng mundong puno ng hindi pagkakapantay-pantay.
Sa gitna ng politika, korapsyon, kasakiman, at mga lihim na matagal nang nakabaon, susubukin ang kanilang pagmamahalan. Habang unti-unting nabubunyag ang mga katotohanang kayang baguhin ang lahat, isang tanong ang mananatili:
Hanggang saan ang kayang isakripisyo ng pag-ibig kapag ang katotohanan ang naging pinakamalaking kalaban?
"Hindi ko alam kung ang pag-ibig ba ang magiging dahilan ng paglaya ko, o ng tuluyan kong pagkawala. Pero kung may isang bagay na sigurado ako... pipiliin kitang mahalin, kahit hindi ko alam kung saan tayo nito dadalhin."
- Margaux