bernardcatam
- Reads 2,841
- Votes 265
- Parts 15
"Wala akong pakialam kung babasahin mo 'to o hindi. At least nalaman kong isa ka sa mga walang kwentang tao."
Meet Enteng Kabisote, 18, ang pinakasupladong 'tagalupa' na makikilala mo --kung makikilala mo s'ya.
Paano kung ang simpleng buhay ni Enteng bilang taga-blend ng shake sa isang burger shop at apprentice sa computer repair and shop ay biglang magbago sa pagdating ng isang diwata at pulubi sa kanyang higaan na nagsasabing sila ang asawa at anak n'ya... respectively. I'm sure wala pa rin s'yang pakialam.
Sundan ang pamumuhay ni Enteng sa kanyang normal na mundo kasama ang amang si Edad, kasambahay na si Amy, kaibigang si Pipoy, at kapitbahay na si Bale at ang kanyang masalimuot na paglalakbay sa pagkilala sa asawa niyang si Faye, na nag-iisang tagapagmana pala ng kahariang Engkantasya.
Paano niya makakayanang tanggapin ang bagong pamilya, ang napakakulit n'yang ampon na si Aiza, ang matapobre niyang biyenan na si Reyna Ina Magenta, at ang nakaka-boring na 'fantasy cliches at drama formulas' sa mundo ng T.V. shows at pelikula.
"Mas matindi pa 'to visual effects ng mga pelikulang ipinapalabas tuwing pasko. Awesome!" - Enteng Kabisote
Note: Okay Ka, Fairy Ko remake/prequel/reboot, told from Enteng's point of view, and set in early college life.