Kuya_Jun
Mahal Kita, Inay
Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr.
Guhit ni Ghani Madueño
Sabi ni Teresa, makulit ang kanyang inay. Paulit-ulit ang mga sinasabi: "Ang batang ito talaga!" "Hindi ka ba pinagalitan ng teacher mo?" "Hindi ka ba naulanan?" "O, kung maglalaro kayo ng mga kapatid mo, huwag kayong lalayo." "Bago magtakipsilim ay umuwi na kayo." Minsan, itinatanong ni Teresa sa sarili: "Wala na bang ibang sasabihin si Inay?" Parang sumasakit na ang kanyang tainga sa paulit-ulit na bilin at mga tanong.
Alamin sa kuwentong ito kung paano napagtanto ni Teresa na ang kakulitan ng kanyang inay ay tanda ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.