shesfrommiddleearth
- Reads 1,012
- Votes 25
- Parts 15
Sa paningin ni Ignacio ay alcoholic ang kanyang kapitbahay na si Shannon. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay lagi itong may hawak na alak. May balak rin yata itong makipag-kumpetensya sa mga kapre dahil sa panay din ang paninigarilyo nito. Ano kaya ang pinagdadaanan nito? Iniwan ng jowa? May malaking utang? O isa ba ito sa mga napag-iwanan na ng emo generation? Mahirap pa pakisamahan dahil laging maaskad sumagot sa kanya. Nakakabwisit.
Ang kaso mo, hindi naman niya maiwasan. Minsan, para na siyang clown dahil OA na yata ang effort niyang patawanin ito. Busog na busog na rin ito kakayaya niya rito kumain. Lasing na rin sila palagi kakainom. Ano bang nangyayari sa kanya? Mukhang siya na yata ang susunod na may pagdadaanan...sa buhay pag-ibig.