YuzanDelima's Reading List
81 stories
The Ladies' Man meets Gabby Junio by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 61,484
  • WpVote
    Votes 1,307
  • WpPart
    Parts 10
"Tatanggapin ko ang pag-ibig mo nang buong-buo at susuklian ko pa nang sobra-sobra." Nagtamasa ng marangyang buhay si Gabby sa piling ng mga Dizon-ang pamilyang kumalinga sa kanya. Ngunit isang krimen ang bumago sa buhay niya. She was sixteen when her Mommy Myrna and Daddy Ardo died. May mga magnanakaw na sumalakay sa bahay nila at pinatay ang pangalawa niyang mga magulang. Ang masakit, isang kaibigan niya ang sangkot sa pagpatay sa mag-asawa. Dahil doon kaya lalong lumayo ang loob ni Abel sa kanya. Ang binata ang nag-iisang anak ng mga Dizon. Umalis ito ng bansa na galit sa kanya. Pagkalipas ng walong taon, bumalik si Abel at binulabog ang mundo niya. Galit pa rin si Abel at si Gabby naman ay gagawin ang lahat para mapatawad ng binata. Inalila siya nito, tinanggap niya. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil napatawad din siya ni Abel kalaunan. Pero isang araw, sinabi ni Abel na mahal siya nito. Iyon daw ang dahilan kaya hindi ito pumayag na ampunin siya ng mag-asawang Dizon. Malaki ang naging epekto niyon kay Gabby dahil sa totoo lang ay matagal na niyang iniibig si Abel. Mula noon ay ipinaramdam ni Abel sa kanya kung gaano siya kamahal ng binata. Gustong-gusto niyang maniwala, kahit pa maraming pagkakataon na naiisip niya na paraan lang ni Abel na paibigin siya at didispatsahin din dahil magpasahanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.
CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSION by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 257,172
  • WpVote
    Votes 6,826
  • WpPart
    Parts 21
My name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I want and do what I want. YOLO, 'pre. No time for serious stuff. Popular ako sa campus at lahat ng chicks, hindi ko na kailangan ligawan kasi sila na ang kusang lumalapit sa akin. Wala akong sineseryoso. For me, relationships are just a game that I always win. Pero nang makilala ko si Danica Solomon, nagbago ang lahat. Kung bakit naman kasi siya pa ang naisip kong pormahan para maging date sa dance party ng Richdale University. Kung bakit naman kasi naisip ko siya pag-tripan dahil lang type siya ng cousin ko. Kung bakit ba naman dineadma ko ang bulong ng instinct ko when Danica and I first met. Nagkaroon kasi ako ng feeling 'non na iba siya sa lahat ng chicks na nakilala ko na. Bumalik tuloy sa akin ang karma. One year after the disastrous dance party, when my cousin punched me in front of the whole student body, at kung kailan nalaman ko rin na naglolokohan lang pala sila ni Danica, bigla siyang sumulpot sa bahay namin. With a baby in her arms. What the heck?!
Sweetheart Series 2 by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,363,559
  • WpVote
    Votes 32,232
  • WpPart
    Parts 30
"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department. Super-guwapo, ex-scholar, star-player at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigo is a cross between Elvis Presley ang Antonio Banderas sa kupas at hapit na maong, itim na jacket at motorsiklo. Nasa high school si Lacey at nasa college si Rigo. Malayo ang high school building sa college but stealing glances from afar, they fell in love. Their young hearts vowed to love each other for always. But vengenge and betrayal separated them.
THE ASSISTANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 591,725
  • WpVote
    Votes 18,094
  • WpPart
    Parts 38
(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya nang alukin siya ng boss niyang si Dominic Roman para maging executive secretary nito kasi siya raw ang nag-iisang tao na hindi mai-inlove dito, pumayag siya. Parehong malinaw na professional lang ang gusto nilang relasyon at sa unang mga linggo ay ganoon ang nangyari. Pero nang magpunta sila sa Singapore para sa isang business related trip. nagbago ang lahat. May nabuong attraction sa pagitan nilang dalawa. Kay Dominic niya naramdaman kung paano ang alagaan at gawing first priority na kahit siya hindi ginagawa sa kanyang sarili. Kaso pagbalik nila sa Maynila sinalubong sila ng problema. Narealize niya na mas komplikado pala kaysa akala niya ang buhay ni Dominic. Magte-take pa rin ba siya ng risk kahit na may posibilidad na masaktan ang mga anak niya kung ipagpapatuloy niya ang relasyon sa binata?
THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 396,998
  • WpVote
    Votes 12,387
  • WpPart
    Parts 35
THIRTY FIVE years old na si Arci Marie Roque at matagal na niyang tanggap na hindi para sa kaniya ang pag-aasawa. Lahat ng pagmamahal at atensiyon niya ay ibinubuhos niya sa kanyang pamilya, sa bestfriend niyang si Jaime at sa kpop idols na pumupuno sa bawat pader ng kanyang kuwarto. Kaso worried ang pamilya niya. Kinumbinsi siya ng mga ito na magbakasyon para may makilala raw siyang lalaki. Tinawanan lang ni Arci ang mga ito pero during her birth month, nagpunta siya sa Taipei. At doon hindi inaasahang nagkita sila ni Gray Delan, ang masungit at snob niyang boss. For eight years, parehong hindi maganda ang impresyon nila sa isa't isa. But she had the surprise of her life when she ended up liking Gray during the time they were in Taipei. Lalong nabulabog ang puso at isip ni Arci nang pag-uwi niya sa Pilipinas, bigla naman nag propose sa kaniya ang bestfriend na si Jaime, na sa totoo lang ay ideal man niya at love ng buong pamilya niya. Na-confuse si Arci. Pipiliin ba niya ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng kilig at saya for the first time in her life? O tatanggapin ang proposal ng lalaking deep inside ay matagal na niyang hinihintay?
Back In Time by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 87,890
  • WpVote
    Votes 2,508
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka marunong magmahal!" Iyon ang sumbat ng isang katrabaho ni Ella sa kaniya. Hindi iyon totoo. She was in love with someone before. She loved him so much that she could die for him. Subalit isa na lamang iyong bahagi ng nakaraang ayaw nang balikan ni Ella. Isang nakaraan na matagal na niyang ibinaon sa limot. Ngunit iba ang plano ng tadhana. Isang araw, natagpuan na lamang niya ang sariling nakabalik sa nakaraan, sa kanyang katawan noong siya ay teenager pa lamang. And in front of her was Ken --the person she used to love and the same person that was destined to make her cry. [Please do buy the book. Available at all Precious Pages Book Store and other bookstores]
REMEMBER YESTERDAY by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 640,245
  • WpVote
    Votes 19,807
  • WpPart
    Parts 57
Na kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumikilos at nag-iisip ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Until he met Alaina - his personal chef's daughter. Iba si Alaina sa lahat ng nakilala na niya sa buong buhay niya. She was sunshine personified. Kapag tinitingnan siya nito ay hindi money sign ang nakikita nito kung hindi ang tunay niyang pagkatao. Alaina made Randall human. Pero napakaraming pagsubok ang pilit silang pinaghihiwalay. They were both teenagers then. At kahit anong pagrerebelde ang gawin ni Randall ay hindi niya nagawang protektahan si Alaina. Isang araw, matapos ang isang matinding trahedya, biglang nawala sa buhay niya si Alaina. Ginugol ni Randall ang sumunod na mga taon sa paghahanap sa dalaga. Pero nang sa wakas ay matagpuan na niya ito ay isang rebelasyon ang naging dahilan kaya nasaktan siya nang husto. Hindi siya naaalala ni Alaina.
Reckless Recipient (Raquel Boys Series #2) by Mendizizi29
Mendizizi29
  • WpView
    Reads 2,024
  • WpVote
    Votes 189
  • WpPart
    Parts 29
WARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk. Hindi ka bulag, pero bakit kahit nakamulat ang iyong mga mata mas pinipili mong magbulagbulagan? Ramdam mo na, pero hindi ka sigurado kaya mas pinili mong magpakatanga. Pilain Als de Geva, a woman who are deeply inlove with a varsity player in their school got into trouble. She already got what she wants, to be with her long time crush and that is Athan, a gentleman and handsome guy. Maraming mga bagay ang hindi tumutugma sa lahat ng ating kagustuhan. Maaaring gusto mong kumain ng isang paborito mong pagkain ngunit nang ito'y ihain bawal pala ito sa iyong mga kasamahan dahil maaaring makasama ito sa kanilang kalusugan. And then one day, iyon iyong tipong araw na wala nang mahihiling si Pil kun'di ang mapakasal na lamang sa taong mahal na mahal niya. Ngunit sa isang pangungusap na sinabi ng kaniyang matalik na kaibigan, ang nagpabago sa mga plano niya sa buhay. Ang lahat ng bagay ay iyong matututunan kung iyong susubukan. Wala naman talagang balak si Pilain na pagaralang mahalin ang kaniyang matalik na kaibigan. It's just happened in a snap. Iyong bigla na lamang dumating. Bigla na lamang niyang naramdaman. Iyong tipong pagkagising niya kinabukasan, iyon na 'yung nararamdaman niya. But it's hard to finally explain her feelings. Because she's afraid to find out if her new love ones has a mutual feeling just like what hers. And let's go back to the first paragraph again. Because thats explain who Pilain Als de Geva is. -- RS 2 Started: May 11, 2019 Copyright ©2019 by mendizizi29 --- Second installment of Raquel Series.
You are a Part of Me by CA_Flockhart
CA_Flockhart
  • WpView
    Reads 115,922
  • WpVote
    Votes 2,019
  • WpPart
    Parts 46
"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story that deals with the struggles and pain that comes with love, dreams, and career. Kailan mo nga ba malalamang totoong masaya ka na? Kapag nakamit mo na ang rurok ng career mo? Kapag natupad mo na ang lahat ng mga pinapangarap mo? O kapag natagpuan mo na ang taong para sa'yo? At ano nga ba ang mas matimbang: Great Love o True Love? Date published on Wattpad: May 30, 2019 Date finished publishing on Wattpad: August 8, 2019 Highest Ranking: #1 in New Adult (February 20-24, 2020)
Amor Del Diablo (El Diablo trilogy 1)Preview Only by rhodselda-vergo
rhodselda-vergo
  • WpView
    Reads 980,454
  • WpVote
    Votes 22,230
  • WpPart
    Parts 32
Complete version is available only on Dreame