JezzPapas's Reading List
147 stories
Mr. Meddlesome (Completed)  by BWitchcraft
Mr. Meddlesome (Completed)
BWitchcraft
  • Reads 10,469
  • Votes 289
  • Parts 11
Wala na ba talagang gagawin si Carlos kundi saktan ang puso niya? Pa-fall. Greisha fell in love with Carlos sa pag-aakalang pareho sila ng nararamdaman. Pero nang dumating ang panahong puwede na sila, bigla itong nagkaroon ng iba. She met Josef and she started to heal. Pero nakialam na naman si Carlos. "Binili" nito ang boyfriend niya para iwanan siya. But Josef was a changed man now at handa itong patunayan na karapat-dapat na itong ipaglaban. Pero naririyan na naman si Carlos para sirain ang kaligayahan niya... bilang kaparusahan sa isang kasalanang wala siyang kinalaman, hindi siya nito hahayaang lumigaya.
The Cavaliers: CLYDE by mydearwriter
The Cavaliers: CLYDE
mydearwriter
  • Reads 87,710
  • Votes 3,606
  • Parts 40
"Iba magmahal ang mga marines. Parang sa giyera- hindi takot, buo ang loob at ibibigay ang lahat para sa taong karapat-dapat. Handa nga kaming mamatay para sa bayan, sa pag-ibig pa kaya?" -- Clyde Alegre, PMA Officer, Philippine Marines
Fate (PREVIEW ONLY) by Victoria_Amor
Fate (PREVIEW ONLY)
Victoria_Amor
  • Reads 83,980
  • Votes 2,079
  • Parts 23
Where do broken hearts go? Tanong ni Therese kay Google pagkatapos siyang iwan ng perfect groom sa araw ng kasal nila. Google answered: Corazon. Nag-ring ang phone, mysterious man ang caller. Ang sinabi, "Hihintayin kita sa Corazon." Naisip ni Therese, si Raphael, ang perfect groom na nang-iwan ang naghihintay sa kanya. Mag-e-explain. Nagpunta siya sa Corazon. Umasa. Umasa na naman. Hanggang nakaharap niya ang mysterious man... Wattpad version. Unedited.
Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLY by Victoria_Amor
Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLY
Victoria_Amor
  • Reads 95,461
  • Votes 2,523
  • Parts 20
Lovefinder book 13 Unedited First draft.
#SocialMediaAddict (St. Catherine High Series Book #4) by HeartYngrid
#SocialMediaAddict (St. Catherine High Series Book #4)
HeartYngrid
  • Reads 13,247
  • Votes 402
  • Parts 8
**Already published. Available in bookstores** Ako si Kassie at isa akong self-confessed social media addict. May account ako sa lahat ng social networking apps. I love sharing my life in social media. Internet is like my bff. Hindi ko kayang mabuhay nang walang Wi-Fi. Kaya naman hate na hate ko si Tom Alvarez, 'yong masungit at antipatikong president ng Science Club sa SCH na galit sa social media. Ang sabi niya, nawawala na daw ang tunay na essence ng social interaction nang dahil sa mga social networking apps na iyon. Hate na hate ko talaga ang KJ na iyon. Kaya para makaganti ako sa kanya, gumawa ako ng hashtag sa Twitter para sa kanya-ang #iHateTom under another username. At araw-araw, ibinubuhos ko roon ang galit ko sa kanya. Wala naman siyang social media account ni isa kaya hindi niya mababasa iyon. Hindi rin naman niya malalaman na ako ang nasa likod ng hashtag na iyon. Kaya never siyang makakaganti sa akin sa lahat ng masasamang pinagsasabi ko sa kanya sa social media. #NeverEver Iyon ang akala ko.
Not Another Ghost Story [COMPLETED] by HeartYngrid
Not Another Ghost Story [COMPLETED]
HeartYngrid
  • Reads 117,068
  • Votes 4,939
  • Parts 29
About a girl who sees ghosts and a guy who doesn't believe in paranormal stuff. May third eye si Fina; may kakayahan din siyang makakita at makakausap ng mga kaluluwa. Isang kliyente ang kumuha sa serbisyo niya-si Therese. Desperado itong makausap ang kaibigan nitong nag-suicide at malaman ang misteryoso sa pagpapakamatay niyon. Ang problema ay mailap ang kaluluwang iyon-ayaw siyang kausapin at tila nakikipag-hide-and-seek sa kanya. May isa pa siyang problema-ang pakialamerong manliligaw ni Therese na si Steven. Ayon sa lalaki, isa raw siyang huwad at manggagantso na medium. Pero hindi nito nakontra si Therese nang hilingin ng babae na tulungan siya ni Steven sa misyon niya. Habang kasama niya si Steven ay panay ang pag-aasaran at pagbabangayan nila. Isa-isa rin niyang nadiskubre ang magagandang katangian nito. Kaya hindi kataka-takang isang araw ay nagising na lamang siyang nagkakagusto na sa mayabang na lalaki. Kung sana ay kasama sa special powers niya ang manggayuma... **UNEDITED VERSION **Already published
Twisted Tales Book 4: Duty To My Heart by _cinnamondreamer_
Twisted Tales Book 4: Duty To My Heart
_cinnamondreamer_
  • Reads 121,137
  • Votes 2,682
  • Parts 13
[First love never dies...] For once, gusto nang gumawa ni Pepper ng isang bagay na hindi na kakailanganin ng permiso ng kanyang mga magulang. Kaya on impulse, nagdesisyon siyang i-boycott ang kanyang sariling engagement party. Pero minalas siya, dahil sa dinami-rami ng sasakyang puwede niyang pagtaguan, sa sasakyan pa siya ni Calyx napasakay. Ito ang isa sa mga taong ayaw niyang makasama. Pepper hated Calyx to the core. Pero kailangan niyang pagtiisan ito. Ang usapan nila ay ibababa siya nito sa isang safe na lugar, pero sa panggigilalas niya ay isinama siya ni Calyx sa pupuntahan nito. Ang akala ni Pepper ay hindi niya matatagalan ang presensiya ng lalaki, pero nakilala niya nang husto ang kakaibang Calyx nang sumama siya rito. She did not expect she would fall in love with him. Again...
Twisted Tales Book 1: Going Past The Limits by _cinnamondreamer_
Twisted Tales Book 1: Going Past The Limits
_cinnamondreamer_
  • Reads 102,180
  • Votes 2,287
  • Parts 13
[A best friend-turned-to-lovers story.] Seff was Sugar's best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya ay tinanggihan niya ito. Mas pinili niya ang pagkakaibigan nila kaysa sa pagmamahal nito na walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal. Alam niya sa sariling mahal niya si Seff bilang kaibigan. Or so she thought. Nanatili silang magkaibigan ni Seff sa kabila ng pagtanggi niya rito. Ngunit nararamdaman niyang lumalayo ito sa kanya. Nang pormahan nito ang isa sa mga kaibigan niya, nalito siya sa kanyang nadama. Dahil sa halip na matuwa siya dahil sa wakas ay napansin din ni Seff ang kaibigan niya ay pagkainis ang nararamdaman niya tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. Nang ma-realize ni Sugar na hindi na pagtinging-kaibigan ang nararamdaman niya kay Seff ay sinabi agad niya ang nararamdaman niya rito. Ngunit hindi siya naging handa sa naging tugon nito...
I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1) by HeartYngrid
I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)
HeartYngrid
  • Reads 153,669
  • Votes 4,344
  • Parts 22
This book is now published under Reb Fiction and is now available in bookstores. Please do grab a copy! Thank you. (Formerly known as Not Another Gangster Love Story) Hi! Ako si Nadine at hooked na hooked ako sa online novels mula sa mga free online reading websites. Kahit nabasa ko na sa Internet ang novels na iyon, binibili ko pa rin kapag na-publish na bilang libro. Gustung-gusto ko kasi kapag napapakilig ako ng teenage novels na nababasa ako. Hopeless romantic kasi ako. In fact, araw-araw, nangangarap ako na mangyayari sa akin ang isa sa love stories na binabasa ko. Ang sarap sigurong maging bida sa mga nobelang gaya niyon. Lalo na kung isang guwapong gangster na nauusong gawing hero ng mga nobelang nababasa ko ang maging love interest ko. Bigla tuloy napansin ko si Calix Roque-ang campus bully sa SCH at lider ng isang teen gang. Kapag kinanti mo siya, pilik-mata mo lang ang walang latay. Pero in fairness, cute si Calix. Hindi ko ine-expect pero na-turn on ako sa kanya. Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang desisyon. Paiibigin ko si Calix at gagawa ako ng sarili kong real-life gangster love story! Eh, kaso umubra kaya ang plano ko kay Calix kung mukhang walang gustong gawin ang gangster na iyon kundi ang pandilatan, takutin at pagkatuwaan ako? *Unedited version *Preview only
Treasure In Your Heart - (COMPLETED) by HeartYngrid
Treasure In Your Heart - (COMPLETED)
HeartYngrid
  • Reads 128,879
  • Votes 3,903
  • Parts 26
Mikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa-treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa isang lugar na hindi nito alam ay na-excite siya. Bago pumanaw ang matanda ay binigyan siya nito ng basbas para hanapin ang kayamanan. Nang simulan niyang hanapin iyon ay nakilala niya ang nagpakilalang apo nito na si Rafhael. Pilit man niyang itinago dito ang bilin ng lolo nito ay nalaman din nito ang tungkol sa kayamanan. She would not mind tagging him along in her search for the treasure. Ang problema, napakayabang at napakabastos nito. Pinag-iinit nito ang kanyang ulo. Pero habang tumatagal ay parang hindi lang ang kayamanan ang gusto niyang maangkin kundi mukhang pati ang puso ng kanyang babaerong treasure-hunt buddy..