Ez2Bwith
- Reads 2,046
- Votes 38
- Parts 9
Bago pa man umangat ang unang lungsod mula sa bato at pawis, bago pa bigkasin ang mga pangalang "tao" at "engkanto" sa ilalim ng mga bituin, naroroon na ang Ito. Isang puwersang mas matanda pa sa mga diyos, mas matanda pa sa mismong mga kwento. Hindi ito lumilikha-nagbubura ito. Dumating itong walang ingay, at natutong sumigaw ang mundo.
Sa loob ng napakahabang panahon, ito'y ikinulong, nalimutan ng lahat maliban sa alikabok at pinakamalalim na anino.
Ngayon, may gumigising.
Unti-unting nababasag ang mga selyo. May mga bulong sa hangin. At ang tabing sa pagitan ng mga daigdig ay unti-unting numinipis.
Sa gitna ng unos, isang di-pangkaraniwang grupo ang nasangkot sa isang kapalarang hindi nila inasahan-isang bampirang sawa na sa lahat, isang asong-gubat na binabagabag ng nakaraan, isang Garudang hindi pa kailanman natikman ang kapayapaan... at isang kalahating-tao, kalahating-diwatang babae na halos hindi alam kung ano siya, lalo pa kung ano ang kanyang dapat labanan.
Hindi nila hiniling na maging bayani.
Ngunit kapag ang katapusan ng lahat ay kumakatok, minsan ang tanging hadlang ay ang mga salin ng nilalang na minsang tinawag na alamat.