mytreat's Reading List
1 story
Kita Tayo sa Linggo, Alas Kwatro? by mytreat
mytreat
  • WpView
    Reads 231
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 20
Linggo, Alas Kwatro... Ito ang araw at oras na pinaka-aabangan ni Yasmin dahil ngayon ay magkikita sila ni Angelo, ang lalaking matiyagang nagtuturo sa kaniya ng volleyball kada Linggo, alas kwatro ng hapon. Ang tanging lalaking nagpapasaya at nagpapatibok ng malakas sa kaniyang puso. Ngunit isang araw, bigla na lang itong hindi pumunta sa kanilang tagpuan.. Lumipas ang linggo, buwan.. at taon.. ngunit kahit yapak ni Angelo ay hindi na niya muli pang nasilayan. Ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa bahay ng binata subalit walang sumasagot sa kaniyang pagkatok at tila ba walang nakatira dito. Hanggang isang araw, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Angelo! Ganun na lang ang gulat niya ng tila walang nagbago sa itsura nito - limang taon silang hindi nagkita subalit tila hindi ito tumanda! Hindi napigilan ni Yasmin ang sarili, niyakap niya ng mahigpit si Angelo. Ganun na lang ang gulat ni Yasmin ng bigla siyang itulak ni Angelo. "Sino ka?" Tanong ng lalaking kahawig ni Angelo kay Yasmin sa nakakasindak nitog tono. "Gelo?" "Hindi ako si Gelo. At kung mahal mo ang buhay, tumakbo ka ng malayo at huwag ka ng babalik pa. Dahil sa susunod na bumalik ka dito, hindi ka na makaka-alis ng buhay."