angelaisonaquino's Reading List
88 stories
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 165,376
  • WpVote
    Votes 2,569
  • WpPart
    Parts 12
"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Kaya naman nag-init ang kanyang ulo nang parang may sakit siyang iniiwasan ng probinsiyanong transferee na si Raymond Angeles. He was one gorgeous hunk that caught February's attention. Sunod siya nang sunod sa binata na hindi pa nangyari kahit kailan. Nasaktan siya nang sabihan na parang asong bubuntot-buntot kay Raymond kaya nagalit siya at binalak na gantihan ang binata. But he became her unexpected hero in a school dance. At himala ng mga himala ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging close. Pero hindi iyon tumagal, umalis si Raymond na galit dahil sa maling akala na pinaglaruan niya ito. Limang taon ang lumipas at muling nagbalik si Raymond. He was now a famous swimmer. Baliktad na ang kanilang mundo, mahirap na si February. Hindi alam ng dalaga kung bakit nakikipaglapit sa kanya si Raymond na para bang hindi siya iniwan noon. And how can she stop herself from falling in love with him all over again?
Runaway Bride  by ImStarrygirl
ImStarrygirl
  • WpView
    Reads 4,007
  • WpVote
    Votes 96
  • WpPart
    Parts 13
Hi. Kim Gilliam, was arrange to get married, to Allen Pierce. The day of there wedding, she RUNAWAY. and went to a faraway place that her parent don't know she will go. she went to study in The University. all girls school, in accident she bump in to a boy and trespass in to his room in accident. "what could happen?" ***** but if they fall in love, and big problem got them. magiging sila kaya o tuloyan na mawalay. _____________ Nilabas ko ulit. "RUNAWAY BRIDE"
Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik) by Bella_sauner
Bella_sauner
  • WpView
    Reads 37,547
  • WpVote
    Votes 338
  • WpPart
    Parts 11
Hanggang saan ang kayang malimutan ng isipan, kung ang puso ay nagbibigay puwang sa nakaraan? Hanggang saan ang kayang alalahanin ng puso? Magagawa nga bang punan ang piraso ng nawalang nakaraan kung puso ang pagbibigyan? Paano masisigurong tama ang idinidikta ng puso? Paano kung mali pala ito? Paano kung ang idinidikta ng puso sa kasalukuyan ay iba sa idinidikta ng nakaraan? Paninindigan bang ang susi sa kasalukuyan ay ang piraso ng nagdaan, o sundin ang idinidikta ng puso at tuluyang limutin ang nakaraan?
MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 379,385
  • WpVote
    Votes 4,467
  • WpPart
    Parts 21
"Kung tungkol kay Anthony... na sabi sa akin ni Ally ay nakita ka raw niya na parang lalapit sa stage pero bigla ka na lang tumalikod. Siguro nakita mo 'yong ginawa ni Anthony, niyakap niya ako at humalik pa. Hindi ko inaasahan na gagawin n'ya 'yon. Teka, nagseselos ka ba? Ano ba'ng ibig sabihin no'ng hinalikan mo ako? Para lang patunayan na hindi ka baklus? Hindi ka bading? Eh, kung sabihin sa 'yo, oo, sobrang masaya ako na hindi ka pala totoong bakla! Slow lang talaga ako. Hindi ko agad na-realize na hindi ka pala gano'n. Binalikan ko sa isip ko 'yong pagkikita natin... ako 'yong nag-assume na bading ka. Ewan ko ba kung bakit ko naisip 'yon that time. Ang nakakaasar, sinakyan mo! I hate you, Kiel!"
MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 ) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 276,094
  • WpVote
    Votes 5,167
  • WpPart
    Parts 25
Geneva caught Robin in a compromising situation. Kaya mula noon ay natatak na sa isip niya ang pagiging maloko sa babae ng binata. Pagkaraan ng mahigit isang dekada ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Robin. Hindi na siya nagtaka na nanatili itong binata. Alam niyang ito pa rin ang tipo ng lalaking hindi magpapatali. Kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Geneva nang suyuin siya ni Robin. Hindi na niya magawang iwasan nang hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Inalok naman siya ni Robin ng kasal, pero nagpakatanggi-tanggi si Geneva. Ang katwiran niya, kailangan muna nilang kilalanin ang isa't isa na siyang sinang-ayunan naman ni Robin kahit labag sa kalooban nito. Naging maayos ang pagbahay-bahayan nila. At sa mga araw na kasama ni Geneva ang binata ay unti-unti ring nahuhulog ang loob niya rito. Pero kung kailan handa na siyang aminin ang nararamdaman kay Robin ay saka naman sila naaksidenteng dalawa. At ganoon na lang ang panlulumong naramdaman niya nang hindi na siya maalala ni Robin. Paano na ngayon ang gagawin niya?
THE STORY OF US: PATTY AND ANDRES (published under PHR2370)  COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 272,858
  • WpVote
    Votes 2,720
  • WpPart
    Parts 11
Masugid na nanliligaw si Andres sa kaibigan ni Patty na si Azenith. Maliban sa kanya, botung-boto ang lahat sa binata para sa kanilang kaibigan. Matagal na silang magkakilala ni Andres pero ni hindi siya pansin nito. Bilang ganti, madalas niyang asarin ito. Pikon at suplado kasi si Andres kaya natutuwa si Azenith na kulitin ang binata. Nang mabasted ito, somehow, ikinaligaya niya iyon. Nalaman niya ang dahilan kung bakit... nang halikan siya nito.
MISS ULTIMATE BELIEVER IN TRUE LOVE (Published under PHR5303)Completed by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 72,033
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 12
Nakilala at nakapalagayang loob ni Portia si Nic, ang lalaking kagaya niya ay mahilig din sa mga animated at fairy-tale movies. Sa ilang beses na pag-imbita ni Nic na manood sila ng sine ay tila may mahikang taglay ang binata na hindi matanggihan ni Portia. At sa isang iglap ay namalayan na lang niyang hinalikan siya ni Nic. Para kay Portia, itinuring niyang isang hangin lang na dumaan sa buhay niya ang namagitan sa kanila ni Nic. Nagpalit siya ng cell phone number upang maiwasan at para hindi na siya magambala muli ng binata. After all, wala siyang kaide-ideya kung sino talaga si Nic at ganoon din ito sa kanya. Subalit hindi inakala ni Portia na muli niyang makikita si Nic. Isang masamang biro na si Nic o Gannicus pala ang kaisa-isang anak na lalaki ng kanilang boss at ang binata na ang nakatakdang mamahala sa kompanyang pinapasukan niya... Makakaya pa kayang pangatawanan ni Portia ang pag-iwas kay Gannicus gayong ang binata na mismo ang lumalapit sa kanya?
THE STORY OF US 5: SOCORRO AND HANS (published under PHR1953) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 86,935
  • WpVote
    Votes 1,601
  • WpPart
    Parts 10
Pangit at wala raw sex appeal si Socorro kaya imposibleng magustuhan siya ng kahit sinong lalaki, lalo na ng crush niyang si Hans Gatmaitan. But she proved her detractors wrong. Sa tulong ng isang kaibigan, animo isang bulaklak na namukadkad ang kanyang ganda. Napansin siya ni Hans. Naging visible siya sa paningin nito. They became friends. Nadama niya ang importansiyang ibinibigay nito sa kanya. Dahil doon ay lalong nahulog ang loob niya sa binata. Nag-umpisa siyang mangarap na isang araw ay kakausapin siya ni Hans at magtatapat ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit isang malaking dagok sa kanya ang nalaman niya sa birthday party ni Hans. Nadurog ang kanyang puso sa deklarasyong binitiwan nito sa harap ng mga bisita. Kalabisan ba talaga ang asamin ang puso nito? *** Things we love about being pinay: *** How positively friendly we are... we can get along with just anybody...
THE STORY OF US 3: CHARLYN AND IVAN (published under PHR1863) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 86,001
  • WpVote
    Votes 1,560
  • WpPart
    Parts 11
Isang pangyayari ang nag-udyok kay Charlyn na puntahan si Ernesto Yap, ang taong matagal na niyang binura sa kanyang buhay. Panahon na upang ibalik niya ang sakit na idinulot nito sa kanilang mag-ina. At si Engr. Ivan Arcanghel, ang kalaban sa negosyo ni Ernesto Yap, ang mabisang instrumento para magtagumpay siya. Sa buong buhay ni Charlyn ay noon lang siya magtatangkang hulihin ang atensiyon ng isang lalaki. Wala siyang alam sa pakikipagrelasyon dahil pinatigas na ng mga pagsubok ang kanyang puso. Ngunit ano na ang gagawin niya kapag nalaman ni Ivan na ginagamit niya lang ito? Maisasakatuparan pa kaya niya ang kanyang plano kung biglang pumanig ang kanyang puso kay Ivan?
THE STORY OF US 2: AZENITH & ZARDOU (published under PHR1847) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 99,589
  • WpVote
    Votes 2,048
  • WpPart
    Parts 10
Ang akala ni Azenith ay tahimik na ang mundo niya. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay maraming oportunidad ang kumatok sa pinto niya. Subalit nang makarating sa kanya ang balita na nasa Maynila rin si Zardou-- ang lalaking pinakaiiwasan niya -- ay naalarma siya. Hindi nito dapat malaman ang kanyang kinaroroonan. Mayaman ang lalaki at kayang-kaya nitong bawiin sa kanya ang lahat, maging ang kanyang dignidad. Pero nangyari ang kinatatakutan ni Azenith. Hindi sinasadya ay nagkrus ang kanilang mga landas. Natuklasan niyang hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang mahikang dulot ni Zardou sa tuwing matitigan siya nito. Ngunit sa estado nito ngayon, alam niyang hindi na maaaring dugtungan ang kanilang nakaraan...