jasmine Ezperanza
36 stories
Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The Florist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 162,388
  • WpVote
    Votes 4,124
  • WpPart
    Parts 24
"Kissing you made the difference, Calett. It stirred all the dormant emotions in me. Emotions that I didn't know I possessed until you made me realize they exist. I didn't know what I'm missing until I kissed you." Si Scarlett - gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya ni Chad O'Hara-para lang matuloy ang obsesyon niya na maging Scarlett O'Hara ang pangalan niya. Si Rod - gagawin niya ang lahat para lang alaskahin si Scarlett. Mientras nakikita niyang napipikon ang dalaga, ang saya-saya niya. Si Scarlett uli - hindi niya kailangan si Rod sa buhay niya. Ni hindi niya ito itinuturing na kaibigan-asungot sa buhay niya manapa. Mula't sapul ay alaga na siya nitong buwisitin. Hanggang sa isang araw ay sumagad ang pagkapikon niya sa binata at binuhusan niya ito ng isang pitsel ng juice. Hindi nagalit si Rod. Bagkus ay hinalikan siya. And oh, that kiss felt sooo sweet she almost forgot her name. At nagbago ang lahat kina Scarlett at Rod...
Practical Marriage by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 24,456
  • WpVote
    Votes 474
  • WpPart
    Parts 2
Mickey and China. Away-bati. Magkapatid "daw". Pero alam nilang hindi. Not-by-blood, definitely. Anak ni Sienna si Mickey habang anak ni Matthew si China. Nang maging mag-asawa sina Matthew at Sienna, without any choice, naging magkapatid sila. But Mickey never treated her as a sister. Si China sa kabilang banda ay ginagawa ang lahat para mapalapit kay Mickey. Pero gaano kalapit ang kailangan ba niyang gawin? *Utang ko ang kuwentong ito sa maraming PHR readers sa nakabasa ng Second Chance At Love two decades ago. Hindi kalabisang sabihin na literal kong pinalaki sa pagdaan ng panahon ang mga bata pa noon na characters.
Class Picture Series 6 - The Spoiled Brat and The Bad Boy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,071
  • WpVote
    Votes 1,075
  • WpPart
    Parts 17
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gusto. Sa pag-attend niya sa reunion ng klase nila noong high school ay nagulat siya sa pagbabago ng karamihan sa kanyang mga kaklase. Pero higit na nagulat si Bianca nang makita si Rusty-ang tinaguriang bad boy ng batch nila. Ibang-iba na ito ngayon-pormal, maginoo, at isa nang matagumpay na doktor. Napukaw ni Rusty ang kanyang interes... at puso. She knew right at that moment he was the one for her. At hindi titigil si Bianca hangga't hindi "napapasagot" si Rusty, kesehodang siya pa ang manligaw! Forever And Always "Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
Wedding Girls Series 09 - FAITH - The Printer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 128,894
  • WpVote
    Votes 3,081
  • WpPart
    Parts 23
"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this time, hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Kahit kailan, hindi nagawang pawiin ng galit ang pag-ibig ko sa iyo." ***** Napakaganda ng plano ni Faith at Patrick para sa kinabukasan nila. Pagkapasa ni Patrick sa board exam para sa mga civil engineers ay magpapakasal na sila. Pero nang araw na lumabas ang resulta ng exam ay bigla na lang nawalang parang bula si Patrick. Hinanap ni Faith ang binata. Hindi siya sumuko dahil mahal na mahal niya ito. At ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang sumama din ito sa ina patungo sa America upang ganap na mailayo sa kanya. Pagkatapos ng anim na taon ay muling nagtagpo ang landas nina Faith at Patrick. Kapwa may taglay na galit sa isa't isa. "Naaksidente ako. Kritikal ang kondisyon ko. Faith, sa bawat pagkakataon na magkamalay ako, ikaw ang tinatawag ko. Ikaw ang gusto kong makita. Pero wala ka." Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. "A-ang mama mo," mahinang sabi niya. "I realized that my mother manipulated us. Nagawa niyang dalhin ako sa America upang doon na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ko. But I didn't recovered fast. Ang sabi ng doktor, napakahina ng will ko para gumaling. And it was because of you. Wala talaga akong balak na mabuhay pa dahil wala ka naman sa tabi ko." Napahikbi siya. "I love you, Patrick." Tumigas ang anyo nito. "Really?" sarkastikong wika nito. "Kaya ba nagpakasal ka agad sa iba?" "Patrick, may mabigat akong dahilan. H-hindi ko gagawin iyon kung hindi dahil-"
Wedding Girls  Series 12 - JULIANNE - The Bridal Gown Designer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 106,378
  • WpVote
    Votes 2,620
  • WpPart
    Parts 15
"I've never been happier in my life, honey. I've never been this in love before. I'm so glad you came into my life." *** Hindi inaasahan ni Julianne na sa kanya ipapamana ni Mildred Sunico ang lahat ng kayamanan nito sapagkat hindi naman siya kadugo ng matanda. Subalit hindi ganoon kadali ang magiging pagsalin sa kanya ng kayamanan nito. Kailangan muna niyang sumunod sa kondisyon nito. Ang mag-asawa siya sa loob ng anim na buwan. Tamang-tama naman na nag-alok na sa kanya ng kasal si Tim Pozzorubio. Parang dobleng suwerte iyon sa buhay niya. Matutupad na rin ang pangarap niyang maging bride at may mamanahin pa siya. Pero paano kung matuklasan niyang si Tim ay konektado sa isang taong malaki ang interes sa kayamanang mamanahin niya?
Class Pictures Series 3 - High School Flame by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 58,367
  • WpVote
    Votes 1,900
  • WpPart
    Parts 16
"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?" Walang hindi nakakaalam sa pagmamahalan nina Joanna Marie at Lemuel noong high school. Pero dahil sa mga hindi nila kontroladong pangyayari ay nagkahiwalay sila. Sa loob ng mahigit isang dekada, hindi alam ni Joanna Marie kung naaalala pa rin ba siya ni Lemuel kahit paano. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi nakalimot ang puso niya. Patuloy niya itong minamahal. At ngayong dumating ang pagkakataon na muli silang magkakaharap, madudugtungan kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon?
Wedding Girls Series 06 - YSABELLE - The Makeup Artist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 110,308
  • WpVote
    Votes 2,903
  • WpPart
    Parts 14
"I asked you about love at first sight. Tinanong kita kasi ako rin, hindi ko alam kung totoo ba iyon. But when I met you, naniwala na akong totoo nga iyon. I love you, Ysa. I really do." ***** Si Ysabelle, maganda at dagsa ang manliligaw. Pero ni minsan, hindi pa nagka-boyfriend. Paano, bago kilatisin ang lalaki, inuuna pang magtaray at mang-basted. Tanging siya lang ang nakaalam kung bakit. Enter the Mr. Tall, Gorgeous and Playboy. Si Jonas Sta. Ana. Hindi pa man niya ito nakikilala ng personal, alam na niyang palikero ito. Bakit hindi, kaibigan yata niya si Shelby na kapatid nito na siyang nagsasabi kung gaano kahilig sa babae si Jonas. Siyempre, basa agad ang papel nito sa kanya. Kaya nang una niya itong makita, kahit unat na unat ang barong nito bilang best man sa kasal ni Shelby at nagpapa-cute sa kanya, kibit lang ng balikat ang reaction niya. Pero hindi pala kasing-simple lang ng pagkikibit-balikat ang pag-iwas ay Jonas. Dahil sa pangalawang beses niya itong makita ay natuklasan niyang hindi effective dito ang katarayan niya. At sa pangatlong beses, tila napaulanan na siya ng karisma nito. At bandang huli, sa wari ay lumipad na sa bintana ang sabi niya sa sarili na babastedin niya ang lahat ng lalaking magkakainteres sa kanya. Totoo pala ang kasabihan. There's always an exception to the rule. Sa kaso niya, si Jonas Sta. Ana iyon.
Pahiram Ng Isang Pasko by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 113,565
  • WpVote
    Votes 2,446
  • WpPart
    Parts 37
12 Gifts of Christmas Series Collaboration
Banana Heaven by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 89,528
  • WpVote
    Votes 2,764
  • WpPart
    Parts 19
"Bigyan mo ako ng karapatang magselos at ipapakita ko sa iyo kung paano ako magselos." Little Cupcakes Series *This is the first installment in the collection of novels about single moms who are also bakers on their journey to love. Special thanks to Yrecka Mae Escalante for the cover design
After The Kiss by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 83,414
  • WpVote
    Votes 2,024
  • WpPart
    Parts 13
PHR #1623 Rico and Audrey were best of friends. Click na click sila sa isa't isa. Maglaitan man sila mula ulo hanggang paa, o mag-away man sila na daig pa ang mag-asawa, nakakabati din naman sila agad. Kaya naman marami ang nagtataka, bakit ba hindi pa nade-develop sa love ang friendship nila? Hindi nga ba nila kayang isugal ang pagkakaibigan nila sa mas malalim na relasyon? No one wanted to dare. Not until one night, when they unexpectedly shared one kiss... published by Precious Pages Corporation