DaisyBasiloy's Reading List
69 stories
Narito Ako by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 265,335
  • WpVote
    Votes 7,498
  • WpPart
    Parts 23
This is the raw and unedited file of my PHR novel NARITO AKO.
Soon, I'll Find You by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 260,511
  • WpVote
    Votes 4,864
  • WpPart
    Parts 20
PHR novel # 1685 Soon, I'll Find You "Of course not. In fact, desidido akong patunayan sa iyo." "Na ano?" tanong niyang agad na kinabahan. "You know what. Patutunayan ko sa iyong hindi ako bakla," William said in the gentlest and most seductive tone. "No," she said meekly. The next thing she knew, his lips was moving against her. It was magical, mysterious, incredible. "Hindi ako bakla, di ba?" pabulong na sabi nito pagkatapos ng nakakatulalang halik. Nanlaki ang mga mata niya. At noon lang din niya napansin ang pag-uusyoso sa kanila ng ibang taong nasa paligid. Naningkit ang mga mata niya at sinampal ito. She made a deep breath. Isang matalim na irap ang ginawa niya dito bago nagpasyang lumayo. Subalit hinaltak siya ni William sa braso. "I'll find you, sweetheart. And that will be very, very soon." He whispered against her ear. Cover photo from Google images Original book cover owned by PHR Cover design by J.E.
Sa Panaginip Nga Lang Ba? by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 224,236
  • WpVote
    Votes 5,102
  • WpPart
    Parts 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lamang siya ay inalagaan na niya ang damdaming iyon para kay Marco. Kung kailan nauwi sa isang pag-ibig ang damdaming iyon ay hindi niya alam. But she was just a plain face to him. Until one night. One adventurous night with him na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Lumayo siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahang magku-krus agad ang kanilang landas ni Marco. At hindi kayang burahin ng lumipas na limang taon ang espesyal na alaala niya sa naturang lalaki. Not ever when she had the living memory of him. cover photo from Google images
This Man My Enemy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 114,972
  • WpVote
    Votes 2,682
  • WpPart
    Parts 10
PHR # 1319 First impressions last. At paano magiging impressive kay Rachel ang lalaking tila nagpapalipad ng sasakyan nang dumaan sa harapan niya kaya napasadlak siya kalsada. At hindi lang iyon, saktong-sakto na sa dumi ng aso pa siya bumagsak. So... eeewwww!!!! "Okay ka lang ba, miss?" he asked. At nakadagdag pa sa pag-usok ng bumbunan niya ang tanong na iyon. Sino ang magiging okay? My goodness! Ready na pati ngala-ngala niya para paulanan ito ng pagtataray pero parang nalulon niya ang anumang sasabihin nang mag-angat ng paningin dito. Bakit naman kayguwapo ng lalaking aawayin niya? published by Precious Pages Corporation
A Taste Of Honey  - Book 1 by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 286,084
  • WpVote
    Votes 5,946
  • WpPart
    Parts 36
Si Dick. Isa lang ang babae na minahal niya nang husto---si Vera Mae. But Vera Mae broke up with him and married someone else. That left him hurt and devastated. Hindi niya alam kung kakayaning niyang magmahal pang muli. Si Honey. She was hoping to start a family with Travis. Pero sa isang iglap ay kinitil ng isang aksidente ang buhay nito. She was left alone and afraid. Ikamamatay ng mga magulang niya kung hindi siya makakasal. Then came Dick. Marriage of convenience ang alok nito sa kanya. "Ano ang hihingin mong kapalit?" Duda siya. Nanghihibo ang mga mata nito na hinagod siya ng tingin. "A wild tumble in bed, every time I want to. At ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo. I have a strong appetite for sex. I'll bring you to the heights of heights. We'll both fly to orgasm heaven." Habang sinasabi nito iyon ay parang dinadala na rin siya nito sa tinutukoy nitong langit... Pero hanggang kailan? Published under PHR *cover design by Yrecka Mei *cover photo from Google images
More Taste Of Honey - Book 2 by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 65,690
  • WpVote
    Votes 1,301
  • WpPart
    Parts 11
A/N - Sequel ito ng A Taste Of Honey (Posted na dito ang nasabing kuwento kaya I suggest na basahin ninyo muna iyon bago ito.) Pagkatapos ng mabilisang kasal nila ay mas napatunayan ni Honey na hindi nga siya nagkamali na pumayag na magpakasal kay Dick. Every single day was bliss. Damang-dama niya kung paano siya alagaan at mahalin ng asawa kaya naman siya man ay mas lalo nang minahal ito. Pero wala nga sigurong perfect marriage life. Hindi sinasadya na nakita niya si Dick na may kasamang isang babae. Halos yakapin pa nito iyon. Mabilis na gumapang sa puso niya ang selos at pagdududa. At mas masakit sa kanyang hindi niya kilala ang babaeng iyon. Kung sana man lang ay ex-girlfriend iyon ni Dick, baka mas maintindihan pa niya. At napansin niya si Dick na parang palaging natitigilan. Na parang malalim palagi ang inisip. And so, the jealous and doubting wife in her did something. Gusto niyang mapatunayan sa sarili na mali ang pagdududa niya. Hindi bale nang mapahiya siya sa sarili niya kesa mapatunayan na tamang-hinala siya. But she discovered one paper. Parang gumuho ang mundo niya. What happened to those frequent I love you's? Hanggang salita na lang ba iyon ni Dick? Published by Precious Pages Corporation Cover Design by Yrecka Mei
Ivy's League by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 133,926
  • WpVote
    Votes 3,544
  • WpPart
    Parts 14
"Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He's out of my league." Teaser: Muntik nang mapasubsob si Ivy nang mabunggo siya ng isang nagmamadaling lalaki. "Ano ba?" mataray na sabi niya dito. "Miss, sorry, ha?" Tila lumipad ang pagtataray niya at napatitig sa lalaki. His gray eyes were striking. Sanay siyang makakita ng iba't ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mata ng mga tao sa bansa. Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were... pink! Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito. Was it really pink? Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi? At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing. French kissing, she emphasized to herself. ******** Hi, everyone! This is one of my previously published book. I am posting a part of the book for all of you to read. I hope you enjoy the excerpt. Published under PHR Men In Blue Imprint
Be My Valentine - Be My Honey by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 147,917
  • WpVote
    Votes 3,132
  • WpPart
    Parts 40
Meet Ico Abella, celebrity chef. Paano niya susuyuin si Missy na labis nagmahal sa kanya at labis ding nasaktan sa masakit na bintang niya? Namasukan si Missy kay Teddy na isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng halos buong isla. Iisa lang ang hangarin niya. Ang makapaghanap-buhay nang maayos para sa kanyang pamilya. *** Niligawan at minahal niya si Ico na pamangkin ni Teddy. Dahil akala niya, totoo ang pagtingin na iyon. Wala siyang kamalay-malay na bitag lang iyon. Sa paniniwala ni Ico, kagaya din siya ng ibang nauna. Kunwaring sekretarya pero mismong si Teddy ang puntirya. Isang oportunista na manghuhuthot sa batang-bata at binata pa ring negosyante. Lumayo siya na sugatan ang puso. Sumama siya kay Flint at gamit ang talento nila pareho sa pagkanta ay nagpalipat-lipat sila ng lugar para sa mga gigs. Hanggang sa muli ay magpakita sa kanya si Ico. He wanted to win her back. He even proposed marriage. Pero paano ba muling magtitiwala ang pusong labis na nasaktan? Tinanggihan niya ang alok nitong kasal. Pero pursigido si Ico na mabawi siya kay Flint... Be My Honey is the last installment of Be My Valentine mini-series. Cover credit: Yrecka Mei
Strawberries & Champagne by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 176,962
  • WpVote
    Votes 5,692
  • WpPart
    Parts 22
Single mom by choice si Angelique Dela Serna Soriano. That was after so many failed relationships, idagdag pa ang pagkakaroon ng iresponsableng ama. Naniniwala siyang puwede pa rin naman siyang magkaroon ng sariling pamilya kahit walang lalaki sa buhay niya. Para magkaanak, naisip niyang mag-undergo ng artificial insemination. Pero nakakita siya ng ibang paraan nang may hinging pabor ang best friend niyang si Chris. Pumayag siya na maging fake fiancée nito dahil may lihim din siyang agenda-ang magpabuntis dito. Nagbuntis naman si Angelique. Kasabay niyon, kinailangan ni Chris na mag-stay sa Amerika. Sa loob ng limang taon ay napagtagumpayan ni Angelique na palabasin sa lahat na ang anak niya ay produkto ng artificial insemination. But Chris was back. At gusto siya nitong pakasalan para daw magkaroon ng ama ang kanyang anak. Hindi siya papayag! Baka matuklasan ni Chris ang panloloko niya rito at maging dahilan pa iyon para mawala sa kanya ang pinakamamahal na anak.
Barely Heiresses - VERA MAE by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 317,813
  • WpVote
    Votes 7,113
  • WpPart
    Parts 25
VERA MAE is a part of PHR's Barely Heiresses Collaboration Series Released on February 28, 2015 Available in leading bookstores. ebook is also available at http://preciouspagesebookstore.com.ph/Book/1938