nalpas'en
16 stories
My Beki Secretary by emayachan
emayachan
  • WpView
    Reads 670,901
  • WpVote
    Votes 20,946
  • WpPart
    Parts 69
a story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game company na PNYG. Ano ang mangyayari kung si Jan pa mismo ang magiging secretary nito? Ang paghanga na nararamdaman ni Jan ay unti-unting napalitan ng pagmamahal nang makilala pa niya lalo si Miguel. At tulad ng ibang love story, lahat ay may mga balakid. Magiging happy ending kaya ang pinapangarap na fairy tale ni Jan sa pag-ibig niya kay Miguel? WARNING: THE STORY CONTAINS HOMOSEXUAL RELATIONSHIP THAT MIGHT BE OFFENSIVE TO SOME READERS.
Ang Tadhana ni Narding by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 217,773
  • WpVote
    Votes 1,789
  • WpPart
    Parts 9
Ang kwento ito ay kathang isip ko lamang bilang isang manunulat. Ito ang ibinatay ko lamang sa kwento ang isang sikat na Superhero na ang pangalan ay Darna. Katha ito ni Mars Revelo isa sa pinaka hinahangaan kong manunulat sa larangan ng fantasy. Ang totoo noon ay matagal na akong taga hanga ni Darna, bago ako manalo ng regional champion sa poster making noong high school ay si Darna muna ang unang natutunang iguhit ng aking mga kamay. At ngayong natututo akong mag sulat, nais ko gumawa ng aking sariling version ng kanyang imahe. Bagamat hinamon lamang ako na gawin ng kwento ito, nais ko pa rin itong lagyan ng aking tatak bilang writer ng BXB. Maligayang Pasko sa inyong lahat..
The Queen's Secret by Adamant
Adamant
  • WpView
    Reads 253,054
  • WpVote
    Votes 9,571
  • WpPart
    Parts 47
[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi naitala sa anumang libro. Isang kasaysayan ng isang kaharian na itinago ng panahon ang siyang hindi napabilang sa mga libro na nagsasabi tungkol sa kasaysayan ng mga bansa, tao, kaharian o mundo. Ito ang isang bahagi ng kasaysayan ng mundo na siyang magpapakita ng anyo ng tunay na pagmamahal sa noong mga nagdaang panahon. Isang bahagi ng kasaysayan na gigising sa tunay na kahulugan ng pagmamahal. Isang bahagi ng kasaysayan na babaliin ang mga maling paniniwala ng mapanghusgang mundo. ALL RIGHTS RESERVED 2015 ©Adamant
daddy's choice by develish_yang
develish_yang
  • WpView
    Reads 378,494
  • WpVote
    Votes 10,859
  • WpPart
    Parts 71
dad ayuko! sino ba ang dapat masunod? magagawa mo bang suwayin ang kagustuhan ng iyong ama?lalo na at para sa kabuhayan ng inyong pamilya.o sadyang gusto ka lamang subukan ng iyong sariling ama kung hanggang saan ka katatag. si richmond isang masunuring anak,mabait na kaibigan ni vench,mabuting pinsan ni rijam at pamangkin ng sikat na modelo na si rich marquez. siya ang magdidisisyon kung sino ang susundin pagdating sa pagibig at daang tatAhakin... your choice?or your daddy's choice? hope you like this guys..
Enchanted Series 1: Ang Huling Tagaingat by theavoidantt
theavoidantt
  • WpView
    Reads 276,048
  • WpVote
    Votes 12,211
  • WpPart
    Parts 63
Highest Ranking #15 in Paranormal SYNOPSIS: Nang magtagpo ang landas nina Errol at Ivan, namuo ang isang pambihirang pagkakaibigan na sa kalaunan ay sinubok ng agam-agam at pag-aalinlangan. Si Errol ay isang simpleng guro na may simpleng pangarap, pangarap na noo'y binuo niya kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Erik, ang unang lalaking dahilan ng kanyang lihim na pagtangis. Ngunit saan ba hahantong ang personal na buhay ni Errol gayong sa kabila ng kanyang kabiguan sa pag-ibig ay naghihintay ang isang mahalagang tungkuling nakatakdang ihain sa kanya ng tadhana? Isang tungkuling maaaring maglagay sa kanya sa kapahamakan. May temang same-sex attraction ang kwentong ito. Huwag basahin kung makitid ang utak. Disclaimer: The images used in the cover photo are not mine. All rights belong to their owners. No copyright infringement is intended.
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag by theavoidantt
theavoidantt
  • WpView
    Reads 277,112
  • WpVote
    Votes 12,435
  • WpPart
    Parts 86
Highest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siyang problemang personal? Sa paglakas ng pwersa ni Cassandra ay nagbabadya ang isang delubyong kailangang pigilan nina Melchor at Errol sa abot ng kanilang makakaya. May puwang pa ba ang pag-ibig sa malagim na landas na kailangang tahakin ng huli? May same-sex romance ang kwentong ito. Huwag basahin kung makitid ang utak. This is the second installment of Enchanted. If you stumbled upon this story and you want to look at the first book, please go to my profile and look for "Enchanted: Broken." Disclaimer: The images in the cover are not mine. No copyright infringement is intended.
Enchanted Series 3: The Darkness Within by theavoidantt
theavoidantt
  • WpView
    Reads 219,391
  • WpVote
    Votes 10,643
  • WpPart
    Parts 94
Highest Ranking as of 7/13/2019 #1 Hangin #1 Apoy #2 Tubig #32 Paranormal #6 Superpowers #2 Kapangyarihan #18 nonteenfiction Minsan nang tinalo ng supling ng liwanag ang pwersa ng kadiliman. Ngunit sa gitna ng matinding kalungkutan ay dininig ng huli ang sigaw ng kawalan ng pag-asa. Paano pipigilan ni Errol ang napipintong digmaang nais ilunsad ng mga nagngingitngit na diyos laban sa mga tao kung siya ay nakakulong sa sariling kawalan? This is the third installment of the Enchanted Series. 1. ANG HULING TAGAINGAT (formerly called Enchanted: Broken) 2. ANG SUPLING NG LIWANAG (formerly called Child of the Light) 3. The Darkness Within Lahat po ng mga ito ay may temang same-sex romance at urban fantasy. The images used in the cover are not mine. They belong to their rightful owners. No copyright infringement is intended. The characters and events features in this story are all fictitious and, hence, do not represent actual events and actual depiction of entities mentioned.
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED] by Badorita
Badorita
  • WpView
    Reads 704,435
  • WpVote
    Votes 20,861
  • WpPart
    Parts 55
Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkukunwaring mababait at mapanampalataya sa kanilang diyos diyosan. Isa siyang environmentalist, tagapangalaga ng kalikasan na unti-unting nasisira dahil na rin sa kagagawan ng tao. Ngunit mababago ang tahimik niyang buhay ng dukutin siya ng mga hindi kilalang nilalang at dalhin sa ibang lugar. Ang mas nakakagulat pa ay dinukot na nga siya ay gusto pa siyang gawing palahian. Gawin daw ba siyang baboy! Hindi lang pala weird ang mga alien kundi mga baliw din tulad ng tao, eh pano siya magiging queen bee wala nga siyang fallopian tube. Ano 'yon joke. Pero ng makilala niya kung sino ang lalahi sa kanya gusto niyang bawiin ang unang sinabi, ang lalaki kasing lalahi sa kanya ay parang isang greek god. Teka nasa olympus ba siya? Ang lalaki kasi......
Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) Completed by IamyourDestiny13
IamyourDestiny13
  • WpView
    Reads 485,322
  • WpVote
    Votes 6,369
  • WpPart
    Parts 48
Sabi nila ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Lahat daw ay naaayon sa gusto ng puong may kapal. Pero papaano kung ang inakala mong taong nakatadhana sayo ay isa lamang pagsubok? Isang pagsubok kung saan magbabago ang pananaw mo pagdating sa larangan ng pag-ibig? Ang dating tuwid na paniniwala mo ay naging baluktok. Ang dating nagmamahal ng babae ay ngayon ay umiibig at humanga sa kapwa lalaki. Ano ang gagawin mo sa ngalan ng pag-ibig? Handa kabang ipaglaban ito o hahayaan nalang ang tadhanang maglapit sa inyo? Si Paul, labing pitong taong gulang at nangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng maayos na trabaho. Ngunit papaano kung ang kursong gusto niya ay hindi niya nakuha? Ano ang mangyayari sa pangarap niya? Papaano kung ang kursong ibinigay sa kanya ay ang kursong magbabago ng kanyang pagkatao? Ano ang gagawin niya? Susubukan niya ba ito o uurungan ang pagkakataon? Ito na kaya ang tadhanang sinasabi sa kanyang kapalaran? Ito na kaya ang umpisa ng kanyang pagbabago o ito na ang katapusan ng kanyang pangarap? Si Jasper, isang lalaking nangarap na maging isang mahusay na aktor at modelo pero magtutuloy tuloy pa rin kaya ang kanyang pangarap kapag nakita niya ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Papaano babaguhin ng taong nagpatibok ng kanyang puso ang kanyang kapalaran? May pagasa kaya sila o mananahimik nalang at magpapanggap na walang nararamdaman sa isa't isa? At papaano kung ang taong inakala niyang magmamahal at hindi gagawa ng masama sa kanya ay pagtangkaan siya ng hindi maganda. Masisira kaya ang kanyang tiwala o mas lalo lang mahuhulog? Lalayo kaya siya o babaliwalain niya lang ito? Paano pagtatagpuin ng isang kurso ang dalawang pusong nangangarap ng matayog? Ito kaya ang kursong sisira sa kanila o ito ang tuluyang maglalapit sa kanilang dalawa? -At ito ay dahil sa "Ang Kursong hindi ko Inakala"
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED! by YorTzekai
YorTzekai
  • WpView
    Reads 1,332,108
  • WpVote
    Votes 30,083
  • WpPart
    Parts 41
Lumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol sa kapwa lalaki o sa isang bakla. Naging pasaway sya,lumihis ng landas,umiwas sa mga bagay na alam nyang katulad sa mga tito nya. Nagpaka rebelde sya,inilayo nya ang sarili at ang loob sa pamilya nya. Ngunit paano kung ang tadhana na mismo ang nag akda? Malalabanan nya ba ito? - Si Chasty Park,isang cute na half pinoy half korean na beki,dumanas ng maraming paghihirap sa step father. Mula noon ay nagalit na sya sa mga lalaki. Nagsumikap at tumayo sa mga sariling paa. Paano kung magtagpo sila ng lalaking galit sa mga tulad nya? Mag kaka gulo ba sila o magkaka sundo? Paano kung hindi sinasadyang mahulog sila sa isa't isa? Masusupil ba nila ang damdamin? Hanggang kailan nila ito titikisin? Hanggang kailan nila ito lalabanan?