JhenicaDesquitado
Minahal pero never naging Priority"
Alam ko naman na mahal mo ko. Alam ko naman na totoo yun. Alam ko din naman na madami ka pang pangarap. Gusto mo ng magkaroon ng magandang buhah yung family mo, gusto mong suklian lahat ng hirap ng parents mo. Gusto mong makapagtravel sa iba't-ibang lugar.
Alam ko naman yun suportado pa nga kita diba? Lagi mong sinasabi na mahal mo ko, oo never kang nagkaron ng iba. Never ka din naman tumingin talaga sa iba kasi nga naka-focus ka sa mga pangarap mo. 🙂👌
Kaso ni minsan hindi mo ko sinama sa mga pangarap mo e. Ni minsan hindi ko narinig na nangarap ka para satin dalawa tuwing magkasama tayo masakit tuwing kinukwento mo yung mga plano mo na ganito, ganyan. Pero kailangan kong ngumiti sa harap mo, kailangan kong lokohin ang sarili ko na okay lang lahat. 🙂
Isinama kita sa lahat, pangarap ko, mga plano ko sabi ko pa nga sayo ikaw yung nakikita ko na makakasama ko habang buhay. Kaso ako rin ba talaga yung nakikita mo na makakasama mo hanggang sa pagtanda? 😔😐
Kung sa mga pangarap at plano mo lang pala umiikot ang mundo mo, Paano naman ako?
Ang gusto ko lang naman sana isama mo din ako, kasi kahit sabihin o iparamdam mo pa sakin na mahal mo ko hindi pa rin sapat.
Kinailangan ko muna bumitaw baka kasi kapag nawala ako makita mo naman ako. Pero kung hindi man dumating yung araw na hahanapin mo yung kawalan ko, wag kang mag-alala hindi ako magagalit. Magpapasalamat pa ko sayo, kasi kahit paano alam ko naman na minahal mo ako, pero yun nga lang never mo kong naging priority. 😌🙂