crosychaya
Akala ni Cypress at Paul na natapos na ang lahat ng sakit at kaguluhan matapos ang unang taon nila sa kolehiyo. Matapos ang lahat ng pagkakamali, selos, at sugat na iniwan ng nakaraan, natutunan nilang magtiwala, magmahal, at kumapit nang mahigpit sa isa't isa. Ngunit ngayong nagsisimula ang ikalawang taon, unti-unting dumarating ang mga bagong pagsubok na susubok sa kanilang pagmamahalan. Isang matalik na kaibigan ni Paul mula Amerika ang biglang nagbalik, muling inaangkin ang puwang sa buhay niya na ngayon ay kay Cypress na lamang dapat nakalaan. Hindi pa doon nagtatapos, dahil may pinsan si Paul na handang sirain ang tiwala nila at iparamdam kay Cypress na hindi siya karapat-dapat. At sa gitna ng lahat, isang bagong presensya ang dumating-si Marcus, isang taong unti-unting nahuhulog kay Cypress, at lihim na nag-aalok ng lahat ng bagay na pakiramdam niya'y hindi kayang ibigay ni Paul. Habang lumalalim ang selos, tukso, at pangamba, muling nagbabanta ang nakaraan. Ang limang lalaking minsang nagpahirap kay Cypress ay nagbabalik, uhaw sa paghihiganti at handang wasakin ang lahat ng pinaghirapan nilang buuin. At sa gitna ng kaguluhan, isang hindi inaasahang himala ang dumating-isang bagong buhay na nabuo sa sinapupunan ni Cypress. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, tanging ang tibay ng puso ang magsisilbing sandata.