jlrescel
- Reads 125
- Votes 25
- Parts 13
Mapipilitan ang isang reporter na bumalik sa kanyang baryo para imbestigahan ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang kababata
---
SAMPUNG TAON na ang nakalipas matapos lisanin ni Ana ang maliit na baryo ng Banlayog dala ang mga sikretong ipinangako niyang isasama sa libingan. Ngayon, isa na siyang ganap na reporter na namamanhid sa burukratikong sistema ng pamamahayag.
Pero nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni Celia, ang matalik na kaibigang naiwan niya sa baryo, napilitan siyang bumalik sa lugar na isinumpa na niyang 'di na muling lilingunin.
Sa kanyang paghahanap sa katarungan, masasagupa niya ang mga Martinez- ang dinastiyang naghahari-harian sa baryo. Ngunit habang mas lumalalim ang imbestigasyon, mapagtatanto ni Ana na 'di lamang korapsyon ang kalaban niya kung 'di maging ang matandang paniniwala ng mga taga-baryo sa mga aswang.