Daisy33
13 stories
A Reason To Live (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 237,978
  • WpVote
    Votes 954
  • WpPart
    Parts 7
"If you love someone, no matter how much she has hurt you, crushed you, you will always find yourself forgiving her in the end. Mahal mo, eh." "I don't want to see you ever again." Pakiramdam ni Jean ay sinaksak ang puso niya nang ilang beses nang marinig iyon kay Apollo, ang nag-iisang lalaking minahal niya. Pero hindi niya ito masisi, because those were the same words she said to him when she left him a few years ago. Nasasaktan man ay naiintindihan ni Jean si Apollo. She left to allow him to move on with his life without her and he did. But she was back now. At si Apollo ang binalikan niya. Wala siyang planong layuan ito kahit pa lantaran siyang ipagtabuyan, kahit may girlfriend na ito. Hindi siya magpapatinag. Nabigyan siya ng pagkakataong mabalikan si Apollo kaya hindi niya palalampasin iyon! She still loves him and she would make him realize he still feels the same towards her. Hindi bale nang magmukha siyang stalker sa kakasunod kay Apollo. She's back and she's never going anywhere without him!
Cupid's Arrow by gypsysays
gypsysays
  • WpView
    Reads 40,499
  • WpVote
    Votes 728
  • WpPart
    Parts 11
Zack was Acky's childhood friend. Madalas silang mapagkamalang magkapatid. Madalas pareho rin ang mga nakakahiligan nilang gawin at parehong marami ang nagkakagusto sa kanilang dalawa. The only difference they had was their belief on love. Zack was born romantic while Acky was realistic. Hindi man magkatugma ang mga paniniwala nila ay nanatiling magkaibigan pa rin silang dalawa. So there really was no reason for him to make her have the same belief about love. Ngunit bakit sa dami ng mga pinagdaanan nila ay hindi nila maiwan ang isa't isa?
The Bad Boy Syndrome (COMPLETE) - Published under PHR by MissClosetNovelist
MissClosetNovelist
  • WpView
    Reads 7,901
  • WpVote
    Votes 221
  • WpPart
    Parts 11
Palagi na lang nahuhulog ang loob ni Hershey sa mga bad boy types. Hindi naman sa sinasadya niya iyon pero madali talaga siyang ma-attract sa mga ganoong tipo ng lalaki. So far, she had three ex-boyfriends who all fall under the category of bad boys. Then she met Rodge. Isa siya sa pinakamatinding bad boy na nakilala ni Hershey. Unang kita pa lang niya kay Rodge, she immediately felt the strong magnetic pull between them. But after her last boyfriend, she already promised herself that she would not fall for a bad boy again. Pero paano ba siya iiwas kay Rodge gayong mukhang desidido itong pumasok sa kanyang buhay? He was a bad boy who didn't play by the rules after all. Kahit anong pagtanggi niya ay tila lalo itong natsa-challenge na mapalapit sa kanya.
My Love, My Sunrise (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 161,754
  • WpVote
    Votes 3,027
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2011 "Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo." Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil "walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel," nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus-siksik, liglig, at umaapaw....
Sana Bukas Tayo Pa Rin by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 97,348
  • WpVote
    Votes 2,188
  • WpPart
    Parts 14
Phr Imprint 1419 Published In 2002 "I have branded you as mine even then... even when we were still kids. Wala akong ibang babaeng minahal bukod sa iyo." Kumabog ang dibdb ni Evangeline nang makita ang dalawang bata sa larawan. Picture nila iyon ni Gideon. Walong taong gulang siya noon at hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa ni Gideon matapos silang kuhanan ng litrato... Inilapit nang husto ni Gideon ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "'Yan," masayang sabi nito, "magbata na tayo mula ngayon." Hindi malaman ni Evangeline kung maiiyak o magagalit sa ginawa ni Gideon. Sininghalan niya ito. "Anong magbata? Mga bata pa tayo, eh, gusto mo na makigaya sa matatanda?" Nagbuntong-hininga si Evangeline sa alaalang iyon ng kanilang pagkabata. Minahal na nila ni Gideon ang isa't isa mula pa noon. Kung hindi lang sa pagkakamali na nagawa niya, marahil nasa kanya pa rin ang pagmamahal nito hanggang ngayon.
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 221,261
  • WpVote
    Votes 5,015
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
Fall All Over Again by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 337,618
  • WpVote
    Votes 7,569
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
Here In My Heart (Modified Version) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 124,991
  • WpVote
    Votes 2,642
  • WpPart
    Parts 18
Published under PHR 2013
Forever Yours (edited version) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 176,402
  • WpVote
    Votes 3,451
  • WpPart
    Parts 16
Published under PHR 2015 "I've been through hell every passing day without you." Si Tristan ang lahat ng "first" sa buhay ni Beryl: first romance, first kiss. Ito rin ang unang lalaking pinag-alayan niya ng sarili. But the irony of it all, he also gave her her first heartbreak. Years later, just when Beryl had finally picked up the broken pieces of her heart, Tristan came barging into her peaceful life again, threatening to take back what he believed were his-her body, her heart, and her soul. "You belong to me, Beryl. And I always get what is mine!" The nerve of this guy! Her mind was telling her not to surrender herself to him again, but her heart said otherwise...
Jessica by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 48,187
  • WpVote
    Votes 1,600
  • WpPart
    Parts 20
I don't know what hit me. But when we kissed, I felt some magic touch my heart. I even had sleepless nights. I was so restless. All I think was the magic of our kiss. Sampalan agad ang eksena nang unang magtagpo sina Jessica at Ted. Para sa kanya, si Ted na ang pinakabastos na lalaki sa buong mundo kaya dapat lang na sampalin niya ito. Isa pa, isinisisi rin niyang kasalanan ni Ted kung kaya't nawalan siya ng trabaho at namemeligro pang hindi makapag-enrol sa last semester niya sa kolehiyo. Nang muli silang magtagpo, iba na ang katayuan niya. Pero wala siyang kamalay-malay na ang mansyong tinitirhan niya, si Ted din pala ang nagmamay-ari. At sa pagsusumbatan nila tungkol sa una nilang pagkikita, nagtapos iyon sa pagkakasundo. Pagtatapos na sinelyuhan ni Ted ng isang halik. Halik na nagpabago sa nararamdaman niya para sa guwapo at milyonaryong binata...