Nakimyuoneine
Ito ang storya tungkol kay Alex na first year palang siya ay crush na crush na niya ang kanilang bagong Sir na si Jeff.
Ngunit may usapan daw na meron ng girlfriend si Sir Jeff at yun ay si Miss Ana na adviser niya at tinuring niyang parang kapatid niya.
Si Jeff, matalino, mabait at gwapo. Kakagraduate niya lang ng college. Itinuring na cassanova sa kanilang campus dahil di lang si Alex ang nagpapantasya sa kanya kundi halos lahat ng babae na nag-aaral doon.
Si Alex, isang normal na estudyante na nagkaka-crush rin. Hindi matalino, hindi rin boplaks, sakto lang kumbaga. Marami siyang kaibigan at ang ilan sa mga iyon ay crush rin si Sir Jeff.
Si Ana, siya ang adviser ng section nila Alex. Siya ang pinakapaborito ni Alex sa lahat ng teachers sa school. Paboritong estudyante niya ay si Alex dahil masayahin ito at palaging nakikinig sa kanya. Maganda siya, matalino at mabait. Marami rin ang nagsasabi na bagay daw sila ni Sir Jeff.
Bawal sa kanilang campus na may magkarelasyon na teachers. Nung napagusap-usapan na sila na ni Ana at Jeff, ano kaya ang gagawin ni Alex?