FlorTemosa's Reading List
34 stories
Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR] by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 24,856
  • WpVote
    Votes 311
  • WpPart
    Parts 13
Maverick Gonzalo went to the Philippines because he wants to meet the girl he's going to marry. Ipinagkasundo siya ng Lola niya sa babaeng nagngangalang Gracel Ivan Dumigpe at gusto niyang makita nang personal kung ano ang mayroon dito at ito ang napili ng abuela. Pero hindi inasahan ni Mavy ang kinalabasan ng pagsasakripisyo niya dahil nang makilala niya si Ace, hindi niya napaghandaan ang mga damdaming ngayon lang niya naramdaman na kusang lumalabas dahil sa dalaga. Patay tayo diyan! Paano na ang plano niya kung nagkakagusto na siya kay Ace? Itutuloy pa ba niya iyon o gagawa na lang siya ng paraan para mapaibig ito? At paano kapag nalaman nito ang responsibilidad nila at hindi ito pumayag sa kalokohang iyon? Uuwi kang luhaan at sugatan ang puso, Maverick!
SUBSTITUTE WIFE (COMPLETED) by park_chanyeol13
park_chanyeol13
  • WpView
    Reads 102,907
  • WpVote
    Votes 1,394
  • WpPart
    Parts 25
Prologue Her family never care for her nakung ituring sya ay parang hangin lang na lahat ng gawin nya ay mali para sa magulang nya but she wants their love and attention from them but all of these was given to her twin sister. Kambal nya na mabait, mapagmahal, or let say perfect she's perfect in the eyes of their parents that even the boy she love is inlove to her twin. Pero never nyang itinuring na kaaway ang kanyang kambal na kahit kaaway ang turing nito sa kanya. But what if kung sa araw ng kasal ng kambal mo at ng taong mahal mo ay hindi ito sumipot and because your her twin at magkamukha kayo ay kinailangan mong maging kapalit nya para hindi mapahiya ang pamilya nya sa mga tao lalo na pamilya ng mahal nya na kahit ayaw nyang gawin ay mapipilitan sya dahil sinabi ito ng parents nya.
Fated To Catch You (To Be PUBLISHED UNDER PHR) by AnastasiaKiss007
AnastasiaKiss007
  • WpView
    Reads 60,540
  • WpVote
    Votes 1,512
  • WpPart
    Parts 29
"Isang gabi lang ang maiaalok ko. If you want to touch and kiss me." Sa tanang buhay ni Bright ay noon lang siya napahiya ng husto na gusto niyang umiyak. Kahit isa lang, isang beses lang, gusto niyang markahan ang guwapong mukha ni Aaron. Pagkatapos nang kataksilang ginawa ng kanyang ama sa mommy niya noon, at kumakailan lamang ay ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend na si Jake, Bright promised herself not to love and trust again. And being deeply attracted to Aaron Alistair de Asis, who just offered her one-night-stand, was the last thing she wanted. Worse, tulad niya, may panata rin si Aaron na hindi na muling makikipagrelasyon pa pagkatapos ng kabiguan nito. Worst, sinabi sa kanya ng psychic na kapatid nitong si Allie ang nakita nitong pangitain. "It was Kuya Aaron's wedding. And you're his bride." Pagkatapos siyang banatan ng one-night-stand ni Aaron at nang nakapangingilabot na pangitain ni Allie, isa lang ang pumasok sa isip ni Bright kung sakaling mangyari ang pangitain ni Allie. Ikakasal sila ni Aaron dahil buntis siya. Teka, bakit ba siya na-te-tense samantalang wala naman siyang balak makipag one-night-stand kay Aaron? Pero hinalikan siya nito at nagustuhan niya ang halik... Ah, basta. Hindi mangyayari ang hula! (Unedited Version)
😊Finally Found You (COMPLETED - Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 86,981
  • WpVote
    Votes 834
  • WpPart
    Parts 5
Arabella's almost perfect world shattered when her fiance went missing on the day of their wedding. Ang masakit at wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit iniwan siya nito. Pinayuhan siya ng boss at kaibigan niya na magbakasyon muna para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Naisip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon ng babae na sa resthouse ng pamilya nito sa Quezon magpunta. Ang akala niya ay makakapagpahinga siya ng maayos roon, pero isang gabi pa lamang siya sa pananatili doon ay dumating ang isang napaka-aroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya - si Jared. Pinsan pala ito ng boss niya at naroon din ito para magbakasyon. Pagkatapos ng matinding diskusyon at nagkasundo sila pareho na manatili doon. Magkasama sila sa resthouse pero wala silang pakialam sa isa't-isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang atraksiyon na nadarama niya para rito. This beast was so damn hard to ignore!
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed) by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 121,651
  • WpVote
    Votes 3,955
  • WpPart
    Parts 37
Para kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fateful night. Nalaman niyang ito ang bunsong anak ng may-ari ng TGF. He was the black sheep of the family. But for her, Icko was her falling star. Ito ang bumuhay sa pangarap niya na inakala niyang hindi na mabibigyang-katuparan pa. He saw right through her and believed in her when no one else did. He said she deserved all the beautiful things life had to offer. Suddenly, he became another dream her heart wished to fulfill. Ngunit sa pagkakataong iyon, mukhang dibdibang paghiling sa isanlibong bituin ang kailangan niyang gawin para matupad iyon dahil kay Rachel, ang babaeng nagmamay-ari sa puso nito...
MIDNIGHT KISS by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 65,954
  • WpVote
    Votes 1,331
  • WpPart
    Parts 10
"Hindi ko maaaring pilitin ang puso kong magmahal ng iba. I can only love once, at ikaw lang iyon..." Pagkatapos saktan ni Max ay sinabi ni Sabrina sa sarili na kalilimutan na niya ang lalaki. Ngunit nagbalik si Max sa buhay niya. Sa pagbabalik ng lalaki ay muli nitong binuhay ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Muli nitong ginulo ang nananahimik niyang buhay. Kaya kahit mahirap na magiging amo pa niya si Max ay umakto siyang bale-wala lang sa kanya ang lahat. Ngunit mahirap nga yata talagang pigilan ang pagmamahal sa isang tao. Napatunayan iyon ni Sabrina dahil sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na siyang nahulog sa karisma ni Max. Isang halik lang ang nagpatunay na hindi niya kayang mawala ang lalaki. Hindi siya nangiming ibigay ang sarili kay Max dahil naramdaman niyang pareho sila ng damdamin. Pero hindi pa man umaamin si Sabrina kay Max sa nararamdaman ay naging malinaw na sa kanya na masasaktan lang siya sa huli. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan uli siya ng lalaki. Nalaman kasi niyang ikakasal na si Max kay Lyra, ang babaeng sumira sa relasyon nila noon ng binata.
Marco Santillan: Fated to Love by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 13,889
  • WpVote
    Votes 400
  • WpPart
    Parts 12
Marco Santillan hated the case that was given to him, actually not just himself but the entire team. But nevertheless he has no choice its part of his job. Bettina was in the direful situation when she was trying to escape for his boss grasp. She want a new life, a better start, but her last job went into mess. And she was frame to murder. She has nowhere to run, nang biglang nagising siya sa isang lugar kasama ang isang lalaking hindi niya malalam kung anong papel sa buhay niya, why did he save her, at sino ang nag-utos dito para sagipin ang buhay niya sa bingit ng kamatayan. At sa sandaling panahong nakasama niya ito matutuklasan niya na utang niya ang buhay niya sa lalaking ito not just once but twice. Pero sa kabila noon wala siyang planong ipagkatiwala ang totoong pagkatao niya kay Marco.
Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed) by rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Reads 19,650
  • WpVote
    Votes 519
  • WpPart
    Parts 12
Ipinangako ni Daena sa sarili na sa oras na makatagpo siya ng lalaking katulad ng ex-boyfriend niyang si Fran na almost perfect at mahal siya ay hindi na niya ito pakakawalan.Gagawin niya ang lahat upang hindi ito mawala sa kanya. Nakipaghiwalay siya noon kay Fran dahil naging unfair siya rito nang maging sobrang abala siya sa trabaho. Hanggang sa makatagpo ito ng ibang mamahalin at nagpakasal. Until Jericho Denzel Fortez or JD Fortez in the basketball and modeling world came along. JD was her almost boyfriend during high school. Malaki ang atraso ni JD sa kanya dahil bigla na lamang itong bumalik sa Amerika nang walang paalam. Pinabayaan din siya nito na harapin mag-isa ang nagawa nilang pagkakamali. Nang muli niya itong makita, hindi naiwasang manumbalik ang ay galit niya rito. Ngunit kaagad din iyong naglaho nang marinig niya ang paliwanag nito. Like in the past, madali silang naging magkaibigan muli. Dahil sa dalas ng pagkikita nila ay muling nahulog ang loob ni Daena kay JD. Niligawan naman siya ng binata. Sa pagkakataong iyon ay pormal silang nagkaroon ng relasyon. Ramdam ni Daena ang pagmamahal ni JD sa kanya na mas higit pa noon kay Fran dahil nagawa nitong tanggihan ang magagandang job offers sa ibang bansa para makasama siya. She tried her best para mapantayan iyon pero nabigo siya. Nagawa niyang ipagpalit si JD sa trabaho niya sa isa pa namang importanteng pangyayari sa career nito dahilan para magalit ito sa kanya. Dahil sa nangyari, tulad kay Fran, hindi malayong muling mawala si JD sa kanya na siyang labis niya ng ikinakatakot...
The Ladies' Man Meets Toni Villanueva by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 110,480
  • WpVote
    Votes 1,733
  • WpPart
    Parts 10
Just for a day, she wanted to be the woman he loved. Oo, nababaliw na siya at wala siyang magawa para pigilin iyon. Toni automatically liked Luis the first time she saw him. Napaka-charming ni Luis at maraming kababaihan ang nahuhumaling dito, including her friends. Kailangang makuha ni Toni si Luis dahil kapag nangyari iyon ay kaiinggitan siya ng lahat. Nakahanap siya ng paraan upang mapalapit kay Luis. Kaibigan pala ito ni Japheth-her twin's best friend. Humingi siya ng tulong kay Japheth at ang kapalit ay tutulungan naman niya itong digahan ang kakambal niyang si Trinity. Alam kasi ni Toni na may gusto si Japheth sa kakambal niya ngunit sadyang torpe ang lalaki. Nangako si Japheth na tutulungan siya ngunit nang nasa proseso na sila ng kanilang "pagtutulungan" ay nagkaproblema. Habang tumatagal kasi ay naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Nagising na lang si Toni isang araw na nagpapanggap na may gusto pa rin kay Luis para lang may dahilan siyang lapitan si Japheth. Kaya lang, siya lang yata ang nagbago dahil si Japheth ay si Trinity pa rin ang gusto...
The Fortaleza series: Juan Karlo Fortaleza by isabelita07
isabelita07
  • WpView
    Reads 39,156
  • WpVote
    Votes 498
  • WpPart
    Parts 77
Si juan karlo fortaleza ay ang pangalawangkapatid ni john michael fortaleza o mas kilala sa pangalan na mike siya ay simple, down to earth, clichy at higit sa lahat kind and friendly.. binansagan din syang "low profile" nang ibang nakakakilala sa kanya sapagkat ayaw niang makakuha ng special treatment or atensyon sa mga tao sapagkat kilala ang kanyang buong pamilya sa larangan ng bussiness world.. hanggang sa makilala nia ang babaeng minamahal nia na si carmela samonte. Mag-out of the box kaya si juan karlo o mas kilala sa pangalan ng J.k.?! Abangan..