PHR
117 stories
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 59,313
  • WpVote
    Votes 1,895
  • WpPart
    Parts 20
Gustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problema niya. Iyon ay ang maging nanny ng baby ng isang sikat na movie director na si Kenny Fabella, ang lalaki na yata ang pinakamayabang at masungit na lalaking nakilala. Hindi maintindihan ni Clarice kung bakit ganoon na lang ang kawalan nito ng interes sa batang kanyang inaalagaan. Ilang beses din na sinabi ng lalaki na hindi nito anak ang bata. Ganoon na ba talaga ang mga magulang ngayon? Madali na lang para sa kanila ang iwanan o 'di kaya ay itanggi ang kanilang mga anak? Kung puwede nga lang sana niyang batukan ang Kenny na iyon ay matagal nang ginawa. Subalit sa kabila ng inis na nararamdaman ni Clarice ay hindi naman naiwasang unti-unting mahulog ang kanyang loob sa masungit na amo. Hindi niya maiwasang hilingin na sana ay siya na lamang ang ituring na ina ng batang inaalagaan.
More Than Anyone - Published under PHR by rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Reads 107,024
  • WpVote
    Votes 1,764
  • WpPart
    Parts 13
Para makasiguro ang kuya ni Kate na hindi na muling makikipag-date sa lalaking hindi nito gusto para sa kanya, pinakiusapan ng kuya niya ang best friend nitong si Jay-Jay na bantayan siya. Lingid sa kaalaman ng lahat, dating nakarelasyon ni Kate si Jay-Jay. Kaya lang ay nauwi iyon sa hiwalayan nang magpunta ang binata sa ibang bansa at maging abala sa training bilang paghahanda sa paghawak sa kompanya ng pamilya nito. Pero nagbitiw naman ng pangako si Jay-Jay na babalikan siya at liligawang muli. Tumupad naman ito sa pangako kaya muling ipinagkatiwala ni Kate ang kanyang puso. Pero sinubok ang tatag ng kanilang relasyon nang may umeksenang babae at mahuli niya sa isang compromising na eksena ang dalawa. Walang pagdadalawang-isip na hiniwalayan niya si Jay-Jay at hindi pinakinggan ang paliwanag nito. Sa huli, napag-isip-isip ni Kate na bigyan ng chance si Jay-Jay. Pero hindi na ito sumubok na makipag-reconcile sa kanya. Hahayaan na lang ba niyang tuluyang mawala si Jay-Jay sa buhay niya?
Tonight Can Last Forever - Published under PHR by rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Reads 34,036
  • WpVote
    Votes 812
  • WpPart
    Parts 12
Falling in love was Faith least priorities. Masyado kasing istrikto ang mga magulang niya. Kaya nang Manalo siya ng trip to Palawan, sinamantala niya na wala sa bansa ang mga magulang at nagpunta siya sa malaparaisong isla. Malay ba niyang mai-inlove siya sa nakilalang guwapo at sikat na college basketball heartthrob- si Troy Escobar. Pero kahit tapos na si Faith ng Medical Technology, hindi pa rin siya puwedeng magka-boyfriend. Gusto kasi ng kanyang mga magulang na tapusin muna niya ang pagdodoktor. Pero hindi man dapat, hinayaan ni Faith ang sariling matangay ng magic ng Palawan. Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ni Troy kahit ilang araw pa lang silang magkakilala. Alam niyang maghihiwalay rin sila sa pagtatapos ng kanyang bakasyon. Hindi nga lang niya inakala na iniwan man niya si Troy, magpapabaon ito ng alaalang babago nang lubos sa buhay niya....
When First Impressions Don't Last (COMPLETE) - Published under PHR by MissClosetNovelist
MissClosetNovelist
  • WpView
    Reads 193,093
  • WpVote
    Votes 5,681
  • WpPart
    Parts 23
This is the raw version of the story of Bree and Chase, who is the brother of Justin (Escape with Me) and Lucille (Texting under the Influence).
My Clumsy Love by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 111,060
  • WpVote
    Votes 1,976
  • WpPart
    Parts 20
Sa edad na treinta ay hindi pa nararanasan ni Lalah na magka-boyfriend. Dinig na dinig na niya ang pagtunog ng biological clock niya. Palagi kasing palpak ang lahat ng mga date niya. Malakas ang kutob niya na may dalang malas sa buhay niya si Sam-ang lalaking dumurog sa puso niya may dalawang dekada na ang nakalipas. Mula noon ay itinigil na niya ang pangangarap na ito ang magiging groom niya pagdating ng araw. Pero tila ayaw makisama ng tadhana. Pilit na nagsusumiksik sa isip niya ang mga alaalang nag-uugnay sa kanya kay Sam-her first kiss, first dance, and a love she couldn't seem to run away from after all these years...
[Completed] What Part of Forever? by BridgetteMariePhr
BridgetteMariePhr
  • WpView
    Reads 62,327
  • WpVote
    Votes 1,611
  • WpPart
    Parts 31
When Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hindi na niya kinaya. Paano siya makaka-move on sa boyfriend niyang namatay na kung araw-araw niyang makikita ang kakambal nito? And worst, sinasadya yata talaga nito iyon! Published at PHR. Not available in any bookstore and ebook.
Chances and Forever (Completed) by FionaQueen
FionaQueen
  • WpView
    Reads 32,586
  • WpVote
    Votes 649
  • WpPart
    Parts 10
"Hindi importante sa akin ang kayamanan. Dahil ang pagmamahal ko sa'yo at ang pagmamahal mo sa akin ang tanging kayamanan ko. And you are my treasure I want to keep, forever."
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico Santiago by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 64,396
  • WpVote
    Votes 1,793
  • WpPart
    Parts 21
*This is an unedited version.* Dianne was a widow - a virgin widow to be exact. Simula ng mamatay sa isang aksidente ang asawa niyang si Arnold ay ipinangako niya sa sariling hindi na uli siya magpapatali sa isang relasyon kung saan walang napapala kundi pawang sakit, paghihirap at kalungkutan. Subalit isang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay niya nang muling makatagpo si Nico Santiago isang taon matapos mamatay ng asawa. Si Nico ay isa sa malalapit na kaibigan nila ni Arnold. Silang tatlo ang madalas na magkasama noon. Hindi maintindihan ni Dianne kung bakit nag-iba ang klase ng pagtrato at pagtingin ni Nico sa kanya ngayon. Pero mas higit na hindi maintindihan ni Dianne ang sayang nararamdaman kapag kasama ang binata. At maging ang pagpapadala niya sa bawat halik at haplos nito. Hindi ito tama. Kaibigan si Nico ng dating asawa at siguradong pag-uusapan siya ng mga tao kung sakaling patuloy siyang makikitang kasama ito. At isa pa, isang sekreto ng asawa ang pinaka-iingatan niyang itago - isang sekretong nagkulong sa kanya sa pagsasama nila ng mahabang panahon. Isang sekretong hindi niya maaaring ipaalam sa ibang mga tao. Magagawa niya bang patuloy na panghawakan ang sekretong iyon at bitawan ang sariling kaligayahan?
Xanthe, the Hot-Blooded Keeper (Completed-Published under PHR) by EllaRayeVenice
EllaRayeVenice
  • WpView
    Reads 17,900
  • WpVote
    Votes 773
  • WpPart
    Parts 28
"Parang isang roller-coaster ang mundo ko kapag kasama ka. You always undo me, cripple me, and reduce me into a puddle on your feet. But you always pick me up and make it a whole lot better." Na-love at first sight si Chamomile kay Kei, ang may-ari ng art gallery sa tapat ng music store niya. Para sa kanya, si Kei ang prinsipeng padala ni King Elvis kaya naman nang imbitahan siya ni Kei na tumugtog sa kasal ng kaibigan nito ay mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagpayag niya. Ipinangako ni Chamomile sa sarili na sasamantalahin na ang pagkakataon para mapalapit sa guwapong prinsipe. Subalit may humahadlang sa pagsinta niya-ang supladong best friend ni Kei na si Xanthe, na sa una pa lamang ay tila buko na ang balak niyang gawin. Bantay-sarado ito sa kanya sa pagkairita niya. But while he was with her, he showed her a side of him that made her heart skip a beat. Ayaw man niya, unti-unting nahulog ang loob niya kay Xanthe. Hanggang isang umaga ay nagising na lamang siyang ito na ang mahal. Inamin ni Chamomile ang damdamin para kay Xanthe subalit nagunaw ang kanyang mundo nang malaman ang tunay na dahilan kung bakit nakipaglapit sa kanya ang binata...
Jin, The Prim and Proper Prince (Completed) by EllaRayeVenice
EllaRayeVenice
  • WpView
    Reads 27,949
  • WpVote
    Votes 1,032
  • WpPart
    Parts 28
"'Di ba, nangako ako sa iyong hindi kita hahalikan hangga't hindi ka nagmamakaawa sa akin? Hindi mo lang alam kung gaano kahirap magpigil. So please, sweetheart, start begging me to kiss you. Please, please?" Isang malaking kalokohan para kay Raven ang sinabi ng kanyang ama. Hindi na uso ang arranged marriage sa panahon ngayon pero heto siya, engaged to be married na sa kung sinong anak ni Juan. Pero dahil sa sakit na dulot ng ex-boyfriend niya na nang-iwan sa kanya noong araw na magtatanan sila at sa pressure na dulot ng tangkang pagtakwil sa kanya ng ama, napilitan siyang sumunod kahit anong tanggi niya. Titira siya sa ilalim ng iisang bubong kasama ang mapapangasawa niya na Jin daw ang pangalan. Jin was the most prim and proper guy she had ever met, ang tipong nasa dulo ng listahan niya. Lalo siyang naging determinadong umalis sa kasunduang iyon at kailangan lang ay magmula kay Jin ang pagtanggi. Madali lang iyon. She knew she could do it. Pero mas mautak pala si Jin kaysa sa kanya. Bago niya maisakatuparan ang balak ay na-in love na siya rito. At masakit para sa kanya ang iwan ito nang umeksena ang ex-girlfriend nitong mas may karapatan dito kaysa sa kanya.