KingX-Tian
Itinuturing ni Mallothe na isang patapon lang ang kaniyang buhay. Wala siyang makitang dahilan kung bakit binuhay pa siya sa mundong kaniyang ginagalawan. Lalo pa nang kaniyang masaksihan ang isang pangyayaring lalong nakapagpalubog ng mundo niya - ang makitang magkadampi ang mga labi ng kaniyang nobyo at itinuturing na kaibigan.
Tumakbo siya ng tumakbo kahit na sobrang napakalabo na ng kaniyang paningin dahil sa mga luhang umaagos sa mula sa mata niya. Dinala siya ng kaniyang mga paa isang abandonadong tulay.
"No one has dared to love me. Mas mabuti na siguro ang mawala sa mundong ito."
Inihahanda na niya ang kaniyang sariling tumalon mula sa tulay nang maramdaman niyang may humawak sa kaniyang mga kamay. Taka siyang tumingin dito.
"W-who the hell are you?"
"It is He, who sent me."
Nang sandaling magbitaw ito ng salita ay naramdaman niya ang pagbigat ng kaniyang katawan at pagsara ng kaniyang mga mata. Kasabay nito ang tuluyang pagkahulog niya.
Date started: February 14, 2019