Read Later
9 stories
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 168,746
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 259,908
  • WpVote
    Votes 5,839
  • WpPart
    Parts 74
Raine was considered a total brat for everyone. She loved partying and having fun. Ilang beses na rin siyang papalit-palit ng boyfriends. But despite that, she was a loving and caring friend. She could also be a loving and obedient daughter if only her parents showed concern and love for her. Pero hindi, malimit ang mga itong wala sa kanyang tabi tuwing kailangan niya ng patnubay at gabay. Mas inuuna pa ng mga ito ang pagpapalago ng kanya-kanya nitong mga businesses at sapat na ang ihabilin siya sa yaya niya. Hanggang sa makagawa siya ng isang eskandalo na nakakuha ng atensiyon ng mga ito. Dahil doon ay nag-hire ang mga ito ng isang bodyguard na susubaybay sa lahat ng kilos niya. Doon niya nakilala ang pinaka-boring na lalaki sa mundo na si Riley. Wala itong alam kundi ang sundin ang iniuutos dito. Galit na galit siya sa mga magulang niya sa ginawa ng mga itong pagpapabantay sa kanya at pag-ground sa kanya na lumabas nang hindi kasama ang bodyguard niya. Kaya ginawa ni Raine ang lahat para pasukuin ang Riley na ito sa trabaho nito. Pero ang hindi inaasahan ni Raine ay ang pagkahulog ng loob niya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman, basta ang alam niya lang ay wala ng halaga sa kanya ang ibang bagay basta't makasama niya ito. Subalit magagawa ba nitong tingnan siya bilang isang babae at hindi basta kliyente lang?
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 102,793
  • WpVote
    Votes 1,852
  • WpPart
    Parts 10
PUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha ang pinakaaasam na bakanteng unit sa commercial building na pag-aari ng pamilya niya para sa itatayo niyang studio. Pangalawa, gusto niyang mapanatag ang kanyang ina na wala siyang balak sumunod sa yapak ng mga tiyuhin at tiyahin niya na pawang matatandang binata at dalaga. Si Lance naman ay pumayag sa kapritso ng kanyang ina alang-alang sa pinakamamahal nitong negosyo. At para masiguro na makukuha nila ang kanya-kanyang gusto, nagkasundo sila na magpanggap na nagkakamabutihan. Pulido at walang palpak ang drama nila. Pero sa malas, ang puso yata niya ang pumalpak. Sineryoso niyon masyado ang pagpapanggap nila ni Lance kaya ngayon ay nasa bingit ng panganib iyon dahil alam niyang hindi siya ang tipo ng babae ni Lance...
Love At Second Sight COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 125,892
  • WpVote
    Votes 2,291
  • WpPart
    Parts 11
Phr 4649 Published in 2013
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1) by tyraphr
tyraphr
  • WpView
    Reads 165,410
  • WpVote
    Votes 4,142
  • WpPart
    Parts 14
Labag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya makukuha ang pera sa trust fund niya kapag hindi siya agad bumalik ng Pilipinas. Kailangan pa naman niya ang pera na 'yon para sa matagal na niyang pinaplano na pagtatayo ng sarili niyang business. Kaya naman sa bandang huli ay wala na rin siyang nagawa kundi umuwi. And imagine her surprise nang sa pagbabalik niya ay bigla na lang ibinigay ng Lolo niya sa kanya ang pamamahala ng football club na itinayo nito. Telling her na kung hindi niya pamamahalaan 'yon ay hindi na niya makukuha ang pera sa trust fund niya. What choice does she have? So she reluctantly agreed kahit pa nga wala naman siyang kaalam-alam sa naturang laro. Okay na sana ang lahat. That was until she met the the club's coach, Devlin Mendoza. Ito na yata ang pinakanakakainis na lalaking nakilala niya. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasan na agad nitong ipinakita ang pagkadisgusto sa kanya. He immediately labeled her as a dumb blond na ang kaya lang gawin ay gumasta ng pera. Dapat ay magalit siya dito, pero habang tumatagal at mas nakikilala niya ito, natagpuan na lamang niya ang sarili na lagi itong sinusundan-sundan ng tingin. Although he's the most annoying and most insufferable man she had met, she still found herself unexplicably falling for him. Pero hindi pa man niya nasasabi ang nararamdaman dito ay saka naman biglang nanganib ang buhay niya.
When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 126,462
  • WpVote
    Votes 2,621
  • WpPart
    Parts 12
Nang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the most indulgent man she had ever met. Pinasasaya siya nito kahit sa mumunting bagay na ginagawa nito para sa kanya. Pakiramdam din niya, kapag kasama niya ito ay walang sinumang puwedeng makapanakit sa kanya. She was not born yesterday. Alam niya kung saan hahantong ang nangyayari sa pagitan nila. The attraction was too strong to resist. May malaki nga lang problema: she was already engaged to be married.
One Night With Mr Gorgeous_Complete by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 1,074,008
  • WpVote
    Votes 22,962
  • WpPart
    Parts 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================
What Comes After The First Kiss (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 164,839
  • WpVote
    Votes 3,360
  • WpPart
    Parts 25
"Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo." Dahil sa kalokohan ng mga kapatid at sa pakikialam na rin ng tadhana ay nagulo ang tahimik na buhay ng boyish na si Joelle at natagpuan na lamang ang sariling engaged na kay Ridge, ang lalaking nagnakaw ng unang halik niya. At kahit ano pa mang pagtataboy ang gawin niya sa gwapong binata ay palagi pa rin itong sumusulpot sa harapan niya at ginugulo siya. Hanggang sa dumating sa puntong pati ang nararamdaman niya at tibok ng puso niya ay nagugulo na rin ng presensya nito. Dapat ba niyang tanggapin ang binata at ang magiging role nito sa buhay niya o dapat ay layuan na lamang niya ito upang maisalba ang puso sa pagkabigong maaaring kaakibat ng unti-unting pagkahulog ng loob niya rito?
Twisted Tales Book 1: Going Past The Limits by _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    Reads 102,669
  • WpVote
    Votes 2,297
  • WpPart
    Parts 13
[A best friend-turned-to-lovers story.] Seff was Sugar's best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya ay tinanggihan niya ito. Mas pinili niya ang pagkakaibigan nila kaysa sa pagmamahal nito na walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal. Alam niya sa sariling mahal niya si Seff bilang kaibigan. Or so she thought. Nanatili silang magkaibigan ni Seff sa kabila ng pagtanggi niya rito. Ngunit nararamdaman niyang lumalayo ito sa kanya. Nang pormahan nito ang isa sa mga kaibigan niya, nalito siya sa kanyang nadama. Dahil sa halip na matuwa siya dahil sa wakas ay napansin din ni Seff ang kaibigan niya ay pagkainis ang nararamdaman niya tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. Nang ma-realize ni Sugar na hindi na pagtinging-kaibigan ang nararamdaman niya kay Seff ay sinabi agad niya ang nararamdaman niya rito. Ngunit hindi siya naging handa sa naging tugon nito...