Daluyong
Lumaki ako sa tabing-dagat. Naniniwala ako na kahit kailanman ay hindi ako magpapatangay sa agos. Ngunit nagbago ang lahat nang bigla kang dumating. Isa kang malaking alon, isang daluyong. At unti-unti, hindi ko namamalayan . . . tinatangay mo na ako.