pingkay's collection
11 stories
Chances (Published under PHR) by TriciaKye
TriciaKye
  • WpView
    Reads 82,496
  • WpVote
    Votes 1,180
  • WpPart
    Parts 10
"Leave all those moments of sorrows and hatreds in the past. We will live in the present and make our love last forever." Totoong masaya si Tappie para sa best friend niyang si Jen nang umuwi ito sa Pilipinas mula Amerika para ibalita na ikakasal na ito. Pero agad na nawala ang kaligayahan ni Tappie nang malaman na ang fiancé ni Jen ay si Mark, ang lalaking nang-iwan sa kanya at hindi sumipot sa kanilang kasal. Bumalik sa kanya ang lahat ng sakit, lalo na nang makaharap muli si Mark na para bang hindi siya nito kilala. Ngunit kasabay niyon ay ang panunumbalik ng pagmamahal niya para sa lalaki. Napagpasyahan ni Tappie na hindi sabihin kay Jen ang katotohanan. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan. Kahit alam na rin nito ang istorya nila ni Mark, na minsan ay hindi nito nakilala noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Habambuhay na lang ba siyang masasaktan? O hahayaan niyang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila ni Mark kahit may isang taong masasaktan?
How To Be Yours, Forever by RainieBleu
RainieBleu
  • WpView
    Reads 90,492
  • WpVote
    Votes 1,408
  • WpPart
    Parts 11
"May espasyo ka na rito. Ang kailangan mo-nating-gawin ay palakihin ang espasyo mo sa puso ko. I want you to have the biggest space in my heart." Naunang minahal ni Suzanne ang best friend niyang si Ranzelle, pero ang ate niya ang natutuhang mahalin ng binata. Ngunit hindi rin nagtagal ang relasyon ng dalawa sapagkat umalis ang ate niya para sumama sa ibang lalaki at naiwan si Ranzelle na sugatan ang puso. Ginawa ni Suzanne ang lahat ng makakaya niya para muling pasayahin si Ranzelle at ipa-realize dito na sila ang para sa isa't isa. Nagbunga naman ang pagsisikap niya dahil natutuhan na rin siyang mahalin ng binata. Pero kung kailan malapit nang mag-propose ang binata sa kanya ay saka naman nagbalik ang ate niya. Kailangan na bang isuko ni Suzanne ang pag-ibig niya para kay Ranzelle, lalo't tila apektado pa rin ito ng presensiya ng ate niya?
Always Been You (First Five Chapters Only) by LituSSutiL
LituSSutiL
  • WpView
    Reads 38,190
  • WpVote
    Votes 496
  • WpPart
    Parts 13
Nang lokohin si Kody ng boyfriend, si Jeff ang naging sandalan niya. Perfect boyfriend material si Jeff. Pero ayaw ni Kody rito dahil habulin na nga ng mga babae, mas bata pa sa kanya nang apat na taon. Wala siyang balak pumatol sa mas bata. Younger men lacked maturity, mabilis magbago ang isip. But against her better judgment, she fell in love with Jeff. Todo kasi ang effort nito sa pagpaparamdam na espesyal siya. Ang akala ni Kody, tuloy-tuloy na siyang magiging masaya sa piling ni Jeff. Hindi pala. May isang pangyayaring bumuhay sa galit na inakala ni Kody na matagal na niyang nakalimutan. At damay si Jeff, dahilan para lumayo ito. Pero sa muli nilang pagkikita, nadiskubre ni Kody na mahal pa niya si Jeff. Pero ayaw na siya nitong kausapin, mukha ngang naka-move on na sa kanya. Mayroon naman siyang option para magkaharap uli sila. Iyon nga lang, kailangan niyang lunukin ang pride. Your pride won't bring Jeff back, sermon ni Kody sa sarili. Hindi kayang punuan ng pride ang malaking butas na iniwan ni Jeff sa kanyang puso nang itaboy ito noon. Kaya gagawin niya ang lahat para makuha uli ang pagmamahal nito. Kahit pa magmukha siyang tanga. Available online in ebook and print. ebook : https://www.preciousshop.com.ph/products/ebooks/always-been-you-phr06206-ebook/ print: https://www.preciousshop.com.ph/products/new-releases/phr06206-always-been-you/
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 976,547
  • WpVote
    Votes 15,322
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED) by gabreiv17
gabreiv17
  • WpView
    Reads 135,267
  • WpVote
    Votes 2,145
  • WpPart
    Parts 11
Cavri had always been insecure about herself. Pakiramdam niya ay minamaliit siya ng lahat dahil lang hindi siya nagsusuot ng uniporme at pumapasok sa opisina gaya ng mga ka-edad niya. Ang akala niya ay kuntento na siya sa pagtatago sa mundong ginawa niya para sa sarili niya. Pero dumating si Enad-ang guwapo, matikas at simpatikong doktor na nabangga niya sa airport. Ipinakita nito sa kanya na may malaking puwang pa ang mundo sa labas para sa kanya. Ipinaramdam nito sa kanyang hindi siya abnormal gaya ng iniisip ng mga nakapaligid sa kanya. She knew she was falling. Hanggang sa matuklasan niya ang isang bahagi ng nakaraan nito na may malaking kaugnayan sa kanya. Kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan sa likod ng mga ngiti nito?
I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 91,637
  • WpVote
    Votes 1,134
  • WpPart
    Parts 10
"Kung ayaw mo pala akong maging distraction, eh, di gawin mo na lang akong inspiration. Ano sa tingin mo?" Cherry dreamt that she was being kissed by a breathtaking Prince Charming. Dahil doon ay nahumaling siya sa ideya na baka ito ang lalaking nakatakda para sa kanya. Kaya nang makaharap niya ang counterpart ng lalaking iyon sa totoong buhay na si Dr. Atom Aurelio ay literal na nagkandarapa siya makilala lamang ang doktor at mapalapit dito. Lakas-loob pang umakyat siya ng ligaw. Hindi naging madali ang lahat dahil kilala si Atom na hindi naniniwala sa pag-ibig. Pero dinedma lang ni Cherry ang mga sabi-sabi. Sa halip ay nangako pa siya sa sarili that she will make the man fall in love with her. Umasa siya na may magandang kahihinatnan ang pagni-ninja moves niya sa lalaki. Subalit isang gabi, ipinamukha sa kanya ng tadhana na nag-iilusyon lamang pala siya. Talaga nga yatang kabaligtaran ang mga panaginip...
Semper Fidelis by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 113,889
  • WpVote
    Votes 4,651
  • WpPart
    Parts 39
It means Always Faithful. Motto ng US Marines, LOL. Semper Fi! They would always say to each other. Pero una kong narinig ang phrase na 'yan sa tatay ko noong little girl pa ako. Kay Mother niya sinasabi lagi. Totoo naman, always faithful si Daddy Bear. My parents love each other so much, minsan, ewww, lalo na noong bagets ako. So, not surprisingly, 'yan ang naisip kong title nang mabuo ko ang kwento nina Sari at Aldon. I;ve forgotten na na story, TBH. Kaya, i ask you na lang dear readers to join me in reliving this classic. Sa new readers, i truly hope that you will also find this novel enjoyable and heartwarming.
DEVIOUS 1 by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 154,183
  • WpVote
    Votes 3,113
  • WpPart
    Parts 25
When her rich and much older husband died, napakaswerte raw ni Malena. Pero marami rin ang nagsasabi na sinadya niyang patayin ang asawa. Patayin sa sarap. But someone knew the truth. Ibubulgar nito ang lahat kung hindi gagawin ni Malena lahat nang gusto nito. She was being blackmailed. But Malena was no ordinary woman. She was devious. Let the games begin.
sweet periwinkle by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 95,320
  • WpVote
    Votes 3,409
  • WpPart
    Parts 37
Fernie wrote loveletters to her one true love. She signed them, Sweet Periwinkle. Secret admirer ang peg. Nabuking.
Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 171,258
  • WpVote
    Votes 3,071
  • WpPart
    Parts 15
"Wala ka bang balak magpalit ng boyfriend, Lady Picachu?" Hindi na mapapalampas ni Hiromi ang latest na panggigipit sa kanya ng mga miyembro ng kakompetensiya sa negosyo-ang Bud Brothers. Kaya naman sumugod siya sa teritoryo ng kalaban na ang tanging dalang sandata ay ang kanyang katapangan. Ngunit hindi pala sapat ang tapang niya, dahil sa kamalasan, si Ed Lacson ang nakaengkuwentro niya. She had planned to look dignified and poised in front of the adversary, pero nang makita niya ang former male model, lumipad ang composure niya. At mukhang balak siyang i-seduce ng lalaki para mabili ng mga ito ang kompanya niya. He's not my type, wika niya sa sarili, ngunit kahit split-ends niya, hindi niya makumbinsi.