lyn_0923's Reading List
6 stories
In Other Words, I Love You by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 93,487
  • WpVote
    Votes 1,296
  • WpPart
    Parts 10
"May mga bagay pala na hindi mo kayang pigilan o kontrolin, like how much I am attracted to you." Nilayasan ni Chrissa ang kanyang mga kapatid kaya siya napadpad sa Alba's, isang boardinghouse na para lamang sa kababaihan. Doon siya nakatagpo ng mga kaibigan, ng kausap, at ng karamay. Doon din siya nakatagpo ng love life sa katauhan ni Cider San Miguel, anak ng barangay captain sa lugar na iyon. Mabuting tao si Cider. Sa bawat araw na nakakasama niya ang lalaki ay nasiguro na niya iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit mabilis na nahulog ang loob niya rito. Ngunit may iba pala itong hinihintay at siyempre, hindi siya iyon. He was still waiting for his missing girlfriend. Nang sabihin ni Cider kay Chrissa na maghintay siya hanggang sa kaya na nitong magmahal muli ay buong puso niya iyong tinanggap. Kaya lang ay bumalik sa eksena si Elaine, ang girlfriend ni Cider. Iyon na ang cue ni Chrissa para um-exit, and so she did. And to save her bruised ego, she told him she already had a fiancé. Bago man lang durugin ni Cider ang puso niya ay uunahan na niya ito. Hahayaan kaya ni Cider na mag-end ang hindi pa man nagsisimulang relasyon nila?
The Ladies' Man meets Gabby Junio by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 61,469
  • WpVote
    Votes 1,307
  • WpPart
    Parts 10
"Tatanggapin ko ang pag-ibig mo nang buong-buo at susuklian ko pa nang sobra-sobra." Nagtamasa ng marangyang buhay si Gabby sa piling ng mga Dizon-ang pamilyang kumalinga sa kanya. Ngunit isang krimen ang bumago sa buhay niya. She was sixteen when her Mommy Myrna and Daddy Ardo died. May mga magnanakaw na sumalakay sa bahay nila at pinatay ang pangalawa niyang mga magulang. Ang masakit, isang kaibigan niya ang sangkot sa pagpatay sa mag-asawa. Dahil doon kaya lalong lumayo ang loob ni Abel sa kanya. Ang binata ang nag-iisang anak ng mga Dizon. Umalis ito ng bansa na galit sa kanya. Pagkalipas ng walong taon, bumalik si Abel at binulabog ang mundo niya. Galit pa rin si Abel at si Gabby naman ay gagawin ang lahat para mapatawad ng binata. Inalila siya nito, tinanggap niya. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil napatawad din siya ni Abel kalaunan. Pero isang araw, sinabi ni Abel na mahal siya nito. Iyon daw ang dahilan kaya hindi ito pumayag na ampunin siya ng mag-asawang Dizon. Malaki ang naging epekto niyon kay Gabby dahil sa totoo lang ay matagal na niyang iniibig si Abel. Mula noon ay ipinaramdam ni Abel sa kanya kung gaano siya kamahal ng binata. Gustong-gusto niyang maniwala, kahit pa maraming pagkakataon na naiisip niya na paraan lang ni Abel na paibigin siya at didispatsahin din dahil magpasahanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.
Heart Over Mind by ashlenejavierPHR
ashlenejavierPHR
  • WpView
    Reads 31,058
  • WpVote
    Votes 338
  • WpPart
    Parts 5
"Umiikot lang kasi sa kanya ang mundo mo kaya hindi mo napapansin na ang mundo ko, sa 'yo naman umiikot." -- Dahil sa iniwang last will and testament ng Lola Candida ni Rowena Araja, kinailangan niyang magpakasal bago mag-thirty years old, at mabuntis bago siya mag-thirty-one. Nag-volunteer ang ultimate playboy na si Cedric de Rossi para maging asawa niya sa papel at pagkatapos ay magdi-divorce din sila. Nabo-bore na raw kasi ito sa buhay kaya gusto nitong may gawing kakaiba. Ang problema nga lang, ayaw makinig ng puso ni Rowena sa sinasabi ng isip niya. Na-in love pa rin kasi siya kay Cedric kahit alam niyang may expiration date ang kasal nila. She felt so stupid for secretly hoping na mamahalin nito ang isang tulad niyang madalas sabihang nerd, mataray, at itinakdang maging isang matandang dalaga. -- This story was published last 2010 by PHR. This is the manuscript's unedited version.
I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 91,473
  • WpVote
    Votes 1,133
  • WpPart
    Parts 10
"Kung ayaw mo pala akong maging distraction, eh, di gawin mo na lang akong inspiration. Ano sa tingin mo?" Cherry dreamt that she was being kissed by a breathtaking Prince Charming. Dahil doon ay nahumaling siya sa ideya na baka ito ang lalaking nakatakda para sa kanya. Kaya nang makaharap niya ang counterpart ng lalaking iyon sa totoong buhay na si Dr. Atom Aurelio ay literal na nagkandarapa siya makilala lamang ang doktor at mapalapit dito. Lakas-loob pang umakyat siya ng ligaw. Hindi naging madali ang lahat dahil kilala si Atom na hindi naniniwala sa pag-ibig. Pero dinedma lang ni Cherry ang mga sabi-sabi. Sa halip ay nangako pa siya sa sarili that she will make the man fall in love with her. Umasa siya na may magandang kahihinatnan ang pagni-ninja moves niya sa lalaki. Subalit isang gabi, ipinamukha sa kanya ng tadhana na nag-iilusyon lamang pala siya. Talaga nga yatang kabaligtaran ang mga panaginip...
She Will Be Loved [COMPLETED] by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 138,254
  • WpVote
    Votes 1,942
  • WpPart
    Parts 42
Isang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito ang takot at insekyuridad na nararamdaman?
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 973,175
  • WpVote
    Votes 15,317
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?