xxo_kai
Wala nang mahihiling pa si Pristin Nellenida sa kanyang buhay sapagkat nasa kanya na ang lahat ng bagay na ninanais ng sinumang tao sa mundo... Maayos na pamilya, eleganteng buhay, magandang katangian, maging kayamanan at isang kasintahang ubod ng bait, talino, at yaman ang naibigay sa kanya ng buong sansinukob.
Ngunit...
Ang lahat ng ito'y biglang nawala sa kanya ng isang iglap nang dahil sa hindi niya malamang rason. Ang kanyang buhay na dati'y masaya ay naging malungkot. Ang masayahing si Pristin ay naging galitin.
Pero, hindi niya inakalang isang araw ay dadating ang isang nilalang sa kanyang buhay na makakapagliligtas sa kanya sa kanyang pagluluksa at maging sa kamatayang hindi inakalang kanila pala'y makakalaban.
Isang sumpa ba ang makilala ang isang nilalang? O ito ba'y magiging daan ni Pristin upang malabanan ang nakaambang kamatayan?
"Mga propesiyang nagtataguan,
Maituturing na sumpang hindi na matatakasan.
Ngunit dahil sa kapangyarihan ng pagmamahalan,
Yao'y malalabanan at hahantong sa katapusan."