jxrishhhhh
This story is a collaboration of ideas with jxrishhhhh
Si Thaliana ay isang Manileña, tatlong taon nang nakakaraan simula nang magplano ng reunion ang kaniyang mga kamag-anak sa probinsiya na gaganapin tuwing summer. Simula nang magkaroon ng reunion ang pamilya nila ay hindi niya pa naransang dumalo at makihalubilo dahil ayaw na ayaw niyang pumunta ng probinsiya. Mas gugustuhin pa niyang sulitin ang bakasyon ng nasa bahay lang nila sa Maynila.
Pero dumating ang taon na halos isumpa niya dahil sa nasaktan siya ng sobra. Kaya naman minabuti niyang sumama sa mga magulang niya sa pagpunta sa probinsiya para maibaling niya sa ibang bagay ang kaniyang atensyon.
Ito ang kuwento kung paano minahal ni Thaliana ang pagbabakasayon sa probinsiya tuwing summer.
Ito rin ang kuwento kung paano niya binalik-balikan ang probinsiyang iyon kahit alam niya nang wala na siyang babalikan.
Ito ang kuwento kung paano siya parating nagdasal, nangarap at umasa na sana isang bakasyon ay muli niyang makita ang isang tao na siyang dahilan kung bakit ang dating pinakaayaw niya gawin tuwing summer ay minahal na niya at paulit-ulit pang ginagawa.