ShielaDevera050's Reading List
12 stories
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 82,915
  • WpVote
    Votes 1,935
  • WpPart
    Parts 55
Malaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong scandal. Engaged na ang kanyang best friend at tanging lalaking idinambana sa kanyang puso mula pa noong high school. Pakiramdam ni Madi ay gumuho ang kanyang mundo. Nasa gitna siya ng matinding kalungkutan nang muling umentra sa kanyang buhay si Pol, na noong eight years old pa lang ay wala nang sawa sa pagpapahayag ng pagsinta sa kanya. Hindi si Pol ang pinangarap ni Madi na maging leading man sa totoong buhay. Dahil bukod sa makulit ay mas bata ito sa kanya. Pero bakit nang hindi sinasadyang mahalikan niya si Pol ay gusto pa niya ng isa? At bakit ang binata ang una niyang hinahanap kapag bumabagsak ang magulo niyang mundo?
LIE TO ME (under Evaluation) by IamKaru
IamKaru
  • WpView
    Reads 4,887
  • WpVote
    Votes 77
  • WpPart
    Parts 14
Bago pa man minahal ni Rika ang pagpipinta ay minsan na siyang nagmahal ng iba--si Dylan. Ngunit sa kasamaang-palad ay may minamahal na itong iba---ang kakambal niyang si Riza. Kaya naman minabuti niyang iwaksi ang nararamdaman niya para sa bnata at ibaling sa sining ang atensyon ng puso niya. Nananahimik na sana siya sa kanyang lungga nang bigla siyang hingan ng pabor ni Riza---magpanggap daw siya bilang girlfriend ni Dylan! Riza never takes a 'No' for an answer. Kaya 'napilitan' siyang pumayag. Everything is just a pretense. Iyon ang palagi niyang paalala sa sarili niya .Ngunit hanggang kelan magiging epektibo ang mantra niya na iyon kung sa bawat pagtingin sa kanya ni Dylan ay nagso-short circuit na ang isip niya? At bawat pagdaan ng mga araw, para bang ang kasinungalingan na binuo niya ay unti-unting nagiging katotohanan na?
Marred (Completed) by NikitaParkzhou
NikitaParkzhou
  • WpView
    Reads 28,059
  • WpVote
    Votes 591
  • WpPart
    Parts 25
Dalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa bayan na iyon ay ipinangako niya na maghihiganti siya. Ngunit ano ang gagawin niya kung sa tuwing nakikita niya ito ay wala siyang gustong gawin kundi hagkan at protektahan ito? Alam ni Carmela na galit sa kanya si Hunter. Alam niya na mali ang muling mapalapit dito. Ngunit paano siya lalayo kung sa piling lang ng lalaki siya nakakaramdam ng kaligtasan. Huwag ng idagdag pa ang pagmamahal na inalagaan niya sa nakalipas na mga taon kahit na iniwan siya nito sa pinakamadilim na bahagi ng buhay niya.
The Day I Fell In Love With You by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 48,831
  • WpVote
    Votes 1,109
  • WpPart
    Parts 10
The Day I Fell In Love With You By Zindy Rivera "Ang pag-ibig daw ay parang mga bituin sa langit. Napakaraming puwedeng pagpilian, puwedeng mahalin, pero iisa lang ang nakalaan para sa 'yo." Nagkaroon ng temporary amnesia si Ela dahil sa isang aksidente. Ang huling natatandaan niya ay nang maka-graduate siya sa college. Ang lahat ng pangyayari sa buhay niya pagkatapos niyon ay nabura na sa kanyang alaala. Ang nakaka-shock lang ay ang malamang ikinasal pala sila ni Karlos, ang kapitbahay niya. At mag-iisang taon na silang mag-asawa! Paano nangyari iyon, eh, ni halos hindi nga siya pinapansin ni Karlos noon? Dapat ay maging masaya si Ela dahil asawa na niya ang lalaking lihim na minamahal noon pa. Pero bakit may pag-aalala sa kanyang puso? Hanggang sa nalaman niya ang dahilan ng aksidenteng sinapit... -
Expect The Unexpected by AkoSiJailee
AkoSiJailee
  • WpView
    Reads 4,649
  • WpVote
    Votes 39
  • WpPart
    Parts 11
Noong bata pa lang kami ay close na sa isa't isa hanggang may nalaman akong hindi ko ikinatuwa na ginawa ng pamilya niya sa pamilya ko . Ako si Andrea Pallian ang totoong tagapagmana ng Company Defilla Osillo ( CDO ) na anak ni Robert Pallian na gustong ibalik sa kamay ng aming pamilya ang kompanya . Nangako ako sa tatay ko na ibabalik ang kompanya sa aming kapangyarihan . Kakayanin ba ni Andrea na tuparin ang pangako sa kanyang ama ?
THE STORY OF US: PATTY AND ANDRES (published under PHR2370)  COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 272,720
  • WpVote
    Votes 2,719
  • WpPart
    Parts 11
Masugid na nanliligaw si Andres sa kaibigan ni Patty na si Azenith. Maliban sa kanya, botung-boto ang lahat sa binata para sa kanilang kaibigan. Matagal na silang magkakilala ni Andres pero ni hindi siya pansin nito. Bilang ganti, madalas niyang asarin ito. Pikon at suplado kasi si Andres kaya natutuwa si Azenith na kulitin ang binata. Nang mabasted ito, somehow, ikinaligaya niya iyon. Nalaman niya ang dahilan kung bakit... nang halikan siya nito.
In Other Words, I Love You by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 93,429
  • WpVote
    Votes 1,296
  • WpPart
    Parts 10
"May mga bagay pala na hindi mo kayang pigilan o kontrolin, like how much I am attracted to you." Nilayasan ni Chrissa ang kanyang mga kapatid kaya siya napadpad sa Alba's, isang boardinghouse na para lamang sa kababaihan. Doon siya nakatagpo ng mga kaibigan, ng kausap, at ng karamay. Doon din siya nakatagpo ng love life sa katauhan ni Cider San Miguel, anak ng barangay captain sa lugar na iyon. Mabuting tao si Cider. Sa bawat araw na nakakasama niya ang lalaki ay nasiguro na niya iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit mabilis na nahulog ang loob niya rito. Ngunit may iba pala itong hinihintay at siyempre, hindi siya iyon. He was still waiting for his missing girlfriend. Nang sabihin ni Cider kay Chrissa na maghintay siya hanggang sa kaya na nitong magmahal muli ay buong puso niya iyong tinanggap. Kaya lang ay bumalik sa eksena si Elaine, ang girlfriend ni Cider. Iyon na ang cue ni Chrissa para um-exit, and so she did. And to save her bruised ego, she told him she already had a fiancé. Bago man lang durugin ni Cider ang puso niya ay uunahan na niya ito. Hahayaan kaya ni Cider na mag-end ang hindi pa man nagsisimulang relasyon nila?
I Still Love You by allaieshzea
allaieshzea
  • WpView
    Reads 317
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 1
Paano kung makipagbalikan sayo yung ex mo? Yung ex mo na hanggang ngayon mahal mo parin. At higit sa lahat yung ex mo na nagparamdam sayo kung ano ang tunay na pag-ibig. Magpapanggap ka na lang ba na wala kanang nararamdaman sa kanya? O tatanggapin mo siya at sasabihing "I STILL LOVE YOU" Read my other story.🌼 VAMPIRE LOVER🌼 Credit to:pinterst.wattpad.com
MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 379,134
  • WpVote
    Votes 4,467
  • WpPart
    Parts 21
"Kung tungkol kay Anthony... na sabi sa akin ni Ally ay nakita ka raw niya na parang lalapit sa stage pero bigla ka na lang tumalikod. Siguro nakita mo 'yong ginawa ni Anthony, niyakap niya ako at humalik pa. Hindi ko inaasahan na gagawin n'ya 'yon. Teka, nagseselos ka ba? Ano ba'ng ibig sabihin no'ng hinalikan mo ako? Para lang patunayan na hindi ka baklus? Hindi ka bading? Eh, kung sabihin sa 'yo, oo, sobrang masaya ako na hindi ka pala totoong bakla! Slow lang talaga ako. Hindi ko agad na-realize na hindi ka pala gano'n. Binalikan ko sa isip ko 'yong pagkikita natin... ako 'yong nag-assume na bading ka. Ewan ko ba kung bakit ko naisip 'yon that time. Ang nakakaasar, sinakyan mo! I hate you, Kiel!"
Tres Marias: Louisa Marie, Labor of Love by Nicka_Gracia
Nicka_Gracia
  • WpView
    Reads 29,369
  • WpVote
    Votes 626
  • WpPart
    Parts 12
Normal naman sa writer na gaya ni Louisa ang makaranas ng writer's block. Dahil na rin sa suhestiyon at pamimilit ng kanyang kapatid na si Florence, naging assistant si Louisa ni Kenette. Best friend kasi ito ni Florence kaya wala na rin siyang pagpipilian kundi ang tulungan ang binata. Pero nagkamali si Louisa. Kaya niyang lunasan ang writer's block pero ang heart palpitation sa tuwing malapit ang binata, iyon yata ang malabong magawan niya ng solusyon. But she needed to concentrate more. Tuhog naman talaga ang kanyang goal: ang maisulat ang kuwento ng kanyang heroine na si Jorella at ang maging effective assistant ni Kennete. Pero mahirap yatang panindigan ang goal na iyon lalo na kung kasing guwapo ng binata ang kanyang distraction. Mukhang hindi naman kuwento ng heroine ni Louisa ang nade-develop...