Aldrenbondilles's Reading List
12 stories
Sexy and Dangerous (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,120,273
  • WpVote
    Votes 26,587
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
Adam's Sassy Girl by Dawn Igloria by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 332,051
  • WpVote
    Votes 5,353
  • WpPart
    Parts 27
Nilinga ni Kimi si Adam sa puntong iyon dahil humigpit ang pagkakahapit ng mga braso nito sa tiyan niya. Nanlalaki ang mga mata nito at lukot ang mga kilay.
Mga Latay ng Pag-ibig by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 504,345
  • WpVote
    Votes 8,543
  • WpPart
    Parts 17
"The she-devil had no right to torture him like this. Just the sight of her made him not all over!" Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga. Hanggang kay Daniel...Ang kaisa-isang lalaking hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa sarili niyang latigo.
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 973,329
  • WpVote
    Votes 15,317
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 291,106
  • WpVote
    Votes 7,811
  • WpPart
    Parts 20
Pangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her existence known to the man of her dreams. Nagpanggap siyang katulong para lang mapalapit dito. Pero ang naging tingin nito sa kanya ay isang bangungot na hindi nito maalis-alis sa tabi nito. Tuloy ay laging mainit ang ulo nito, lagi siyang inuutusan, sinisigawan, at pinagbabagsakan ng pinto. Pero hindi siya sumuko. Bale-wala iyon sa kanya as long as hindi siya pinapalayas nito sa bahay nito sa kabila ng gabundok niyang kapalpakan.
Let Me Call You Sweetheart (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 167,023
  • WpVote
    Votes 4,340
  • WpPart
    Parts 11
Ginamit ni Moira ang lahat ng nalalaman niya sa taekwondo upang mapatumba ang taong sumusunod sa kanya nang minsang mag-jogging siya sa gabi. Pero mukhang mas magaling at mas mabilis ito. Hanggang sa magpakawala siya ng malakas na sipa. "Ops, ops." Nasalo nito ang kanyang paa. "Huwag si Manoy ko." She knew that voice. It was Chancellor Ortega III, her neighbor and her favorite enemy. "Bitiwan mo ako!" "Muntik mo ng madisgrasya ang future ko. Kaya mag-sorry ka muna." "Manigas ka!" "Sige, kiss na lang."
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 630,711
  • WpVote
    Votes 16,579
  • WpPart
    Parts 10
Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap...kasama ng lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O di ba ang saya? ***side note*** Post ko muna itong story ni Jubei dahil may kailangan akong gawin dito sa Wattpad. Sa mga di pa nakakapagbasa nito, hope you'll enjoy reading the first ever Stallion boy. Sa mga nakabasa na at nami-miss uli ito basahin, hope you'll enjoy re-reading this. Sa mga nakabasa na na ayaw na basahin uli, apir na lang tayo hehehe!
The Soju Trilogy: Wasted In Jeju (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 32,050
  • WpVote
    Votes 929
  • WpPart
    Parts 24
This is my Carlo Aquino x Angelica Panganiban-inspired story.
Stallion Riding Club 6: Neiji Villaraza (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 391,530
  • WpVote
    Votes 8,641
  • WpPart
    Parts 10
Boring ang buhay ni Winry. Wala na siyang social life, wala pa siyang lovelife. And she's not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalaga niyang tiyahin, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad dito na namatay ng malungkot at walang kasama. Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling araw ang takaw-trabahong si Neiji Villaraza sa isang café bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang niya itong nakita at imposible na uli silang magkasama. Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. And premyo? A date with one of the commercial's hunks. Kung saan isa roon si Neiji. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya. Where's her chance?
May's Fairy Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 413,985
  • WpVote
    Votes 7,187
  • WpPart
    Parts 20
May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give up ko lahat ng mayroon ako, gagawin ko, basta nasa tabi kita." Ang tanging nais ni May ay mahanap ang kanyang Prince Charming and fulfill her own fairy tale. May tatlong katangian siyang hinahanap sa kanyang prinsipe-magandang lalaki, mabuting tao at higit sa lahat, kailangang mayaman. Noon niya nakilala si Shin Rui Shimamura-super rich at super handsome pero bagsak sa isang kategoryang hinahanap niya. Sa mga kuwento pa lang, mukhang hindi na ito mabait na tao. At napatunayan niya iyon nang magkaharap sila. Sinira nito ang fairy tale niya! Pero bigla ba naman siyang hinalikan nito-at nagustuhan niya iyon...