Kristine series
3 stories
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,047,696
  • WpVote
    Votes 49,170
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
I long for your heart (Elissedearest) by Bella_sauner
Bella_sauner
  • WpView
    Reads 110,811
  • WpVote
    Votes 1,718
  • WpPart
    Parts 14
Isang pangako ng kamusmusan ang pilit niyang kinakalimutan. Gaya ng gasgas ng linyang "promises are meant to be broken", alam niyang ang pangakong binitiwan ng isang binatilyo ay walang kasiguruhan. Alam niyang hindi niya dapat panghawakan ang pangakong iyon. Ngunit bakit iba ang sinasabi ng kanyang puso? Magagawa bang pagtibayin ng munting butil ng pag-asam ang patuloy na pagyakap sa pangakong binitiwan, o sa paglipas ng panahon ay tuluyang kalilimutan ang isang pangakong walang kasiguruhan? Para sa ala-ala ng nag-iisang Martha Cecilia. Ito ay bunga ng aking pangungulila sa obra niyang Kristine Series na siyang nagbigay buhay sa lahat ng emosyong mayroon ako ngayon.
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 684,861
  • WpVote
    Votes 15,658
  • WpPart
    Parts 16
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra. Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?