janolivares
- Reads 2,187
- Votes 363
- Parts 22
Tahimik si Deo Nicholas Ruivivar-isang high school student sa Sta. Clara Academy na sanay mapansin lamang kapag siya'y tinutukso. Since childhood, lagi siyang mag-isa. Araw-araw na lang, bitbit niya ang bigat ng pangungutya sa eskwela at ang ingay ng away sa loob ng kanilang bahay. Para kay Deo, survival ang katahimikan.
Sa gitna ng kaguluhan ng buhay niya, may isang bagay na biglang nagbago. May bagong lipat sa subdivision-si Raden Victor Pascual. Matalas ang ngiti, magaan kausap, at may kakaibang kakayahang pakinggan si Deo nang hindi siya hinuhusgahan. Sa unang pagkakataon, may taong hindi umaalis. Unti-unting nabuo ang pagkakaibigan na naging sandalan ni Deo sa bawat araw na parang gusto na siyang lamunin ng mundo.
Ngunit hindi lahat ay payapa. Ang ina ni Deo na si Sylvia ay pilit ipinapaniwala sa kanya na siya ay may malubhang sakit-isang bagay na hindi niya maintindihan at lalong hindi niya pinaniniwalaan. Para kay Deo, he feels completely fine. Habang lumalala ang tensyon sa pamilya, tuluyang naghiwalay sina Sylvia at Richard dahil sa isang pagtataksil na tuluyang sumira sa kanilang tahanan.
Sa gitna ng lahat ng ito, si Raden ang naging liwanag ni Deo-kasama sa katahimikan, sa galit, at sa mga sandaling gusto na niyang sumuko. Ngunit isang desisyon ang gagawin ni Sylvia na magpapabago sa takbo ng buhay ni Deo. Pinilit siyang ipasok sa ospital, iniwang walang kasiguruhan, walang kontrol, at puno ng tanong.
Habang hinaharap ni Deo ang mga alaala ng kanyang nakaraan at ang sakit na matagal na niyang tinatakasan, kailangan niyang alamin kung hanggang saan siya kayang iligtas ng pagkakaibigan... at kung gaano kabigat ang katotohanang naghihintay sa kanya.