vincentgrey_
- Reads 3,195
- Votes 47
- Parts 15
Nakasanayan na ni Emilio ang kaguluhan, at ang pag-ibig na puno ng peligro at walang kasiguraduhan. Para sa kanya, ang kanyang "matalik na kaibigan" na si Cain ay isang maapoy na bagyo na nagbigay ng kulay sa kanyang buhay-isang mapanganib na pulang kulay na kasing-init ng lumalagablab na apoy.
Ngunit isang gabi, mahuhulog siya sa isang lalaking hindi niya inaasahan. Ang lalaking iniiwasan niya at hindi pinapansin, si Michael, ang magbibigay ng panibagong kulay sa kanyang mundo-isang berdeng kulay na sumisimbolo sa paghilom, pag-asa, at kapayapaan na hindi nakakalito at nakakapaso.
Ngayon, maiipit si Emilio sa isang "tug-of-war." Pipiliin ba niya ang pamilyar na 'pulang' gulo na dala ni Cain, o tuluyan na niyang gigibain ang kanyang 'code' para sa 'berdeng' pag-ibig na iniaalok ni Michael?
Emilio Daez, Michael Sager, and River Joseph.