camralucilla
Pera. 'Yan ang salitang kailangan na kailangan ni Nori para mabuhay araw-araw. Bata pa lang siya, namulat na siya na ang pera ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi ang pag-ibig o kung ano pa man. Ulila na itong lubos at ang Tiya na lamang ang kaniyang kasa-kasama sa buhay. Namasukan at nanilbihan ito sa Pamilya Vidale, isa sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas at Mundo. Nais niyang makapagtapos ng pag-aaral kaya't nanilbihan siya bilang isang katulong.
Naging maayos ang kaniyang pagtira sa Mansion ng mga Vidale. Doon niya napagtanto na hindi pera ang pinakamahalagang bagay sa mundo kung 'di ay Pamilya at Pagmamahal na nakita nito kay Manurius, ang pangalawang anak ng Pamilya Vidale.
Ngunit isang pangyayari ang hindi niya lubos inaasahang darating sa buhay niya na guguho sa pangarap na unti-unti niyang binubuo. Ang inaakala niyang totoo ay kasinungalingan pala. Ang inaakala niyang kaibigan ay siya palang magdadala sa kaniya sa kapahamakan. Ang inaakala niyang unang magtitiwala at paniniwalaan siya ay siya rin palang unang tatalikod sa kaniya. Sino pa ba ang kakapitan niya kung ang lahat ay hindi na naniniwala sa kaniya?
Vidale's Karma II
Vidale, Manurius Lucas D.
"Dominant Geek"