ryanmaclin's Reading List
180 stories
NIGHTINGALE TRILOGY book 2: MAGBALIK (UNEDITED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 99,400
  • WpVote
    Votes 1,615
  • WpPart
    Parts 23
"Handa akong pagbayaran nang buong buhay ko ang lahat ng kasalanan ko sa 'yo. Please, Bianchi Villanueva, pakasalan mo ako at maging alipin mo ako habang-buhay." Self-proclaimed man-hater si Bianchi. Bakit? Dahil wala namang idinudulot na maganda sa buhay ng mga babae ang mga lalaki! Mga paasa lang sila! Mga manloloko! Mga manggagamit! Bakit pa ba siya maniniwala sa mga lalaki kung buong buhay niya, namulat siya sa pagloloko ng isang lalaki. Hindi nga ba't kaya wala siyang kinagisnang ama ay dahil iniwan lang nito ang kanyang ina? At siyempre, may sariling pinaghuhugutan din si Bianchi dahil minsan na rin siyang naloko ng isang lalaki. Ang ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at guwapong si Taylor! Oo, inaamin niya, guwapo si Taylor. Eh, ano naman? Manloloko naman ito! Iniwan na lang siya basta, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila. Kaya hinding-hindi na siya maniniwala sa kahit kaninong lalaki! Kaya lang, pagkalipas ng limang taon, bumalik si Taylor sa buhay niya. Ito pa rin ang dating ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at oo, ubod ng guwapong si Taylor. Panay ang pa-cute ni Taylor sa kanya. Duh! As if naman magpapaapekto siya. Not in this lifetime. Lalo pa't ang puso niyang traidor ay tumitibok pa rin sa binata kahit na anong kaila ang gawin niya. But never will she ever admit it to him. Baka masaktan lang uli siya. Iyon nga lang, hindi pa man nalalaman ni Taylor na mahal pa rin ito ni Bianchi, nasaktan na agad siya. Paano, ang sabi ni Taylor, ibalik na lang daw nila ang dati nilang samahan. 'Yong samahan kung kailan naging mabuti silang magkaibigan. Ouch!
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 130,235
  • WpVote
    Votes 1,754
  • WpPart
    Parts 41
"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang nakaraan at kapareho rin niya ng hilig sa musika. Dahil doon, madaling gumaan ang loob nila sa isa't isa. Madali siyang nagtiwala kay Fritz. Madaling nahulog ang loob dito. Nangako si Fritz na hindi siya iiwan, hindi sasaktan. Naniwala siya. Dahil sa labis na pagmamahal sa binata, alam ni Elise na hindi niya makakaya na mawala ito sa kanya. Iyon nga lang, hindi lahat ng pangako ay nakatadhanang matupad. Bumalik ang best friend niyang si Kate at nalaman niyang ito ang ex-girlfriend ng nobyo niya. Ngunit dahil mahal niya si Fritz, anuman ang sabihin ni Kate, handa siyang tanggapin ang nakaraan ng binata. Hindi magbabago ang tingin niya rito. Ngunit si Fritz pala ang nagbago. Dahil bigla na lang nitong sinabi na nais na nitong makipaghiwalay sa kanya dahil mahal pa rin daw nito si Kate at kahit minsan ay hindi man lang siya nito minahal.
Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 76,025
  • WpVote
    Votes 1,518
  • WpPart
    Parts 16
"It's easy to fall in love with you. Bulag at tanga lang ang hindi magkakagusto sa'yo." Animo araw at gabi sina Joshua at Jammy - literally and figuratively. Kung gaano kaliwanag ang personality ni Joshua ay kabaliktaran niyon ang kay Jammy. Isang rason ay ang pagkakaroon ni Jammy ng kakaibang allergy kapag nasisinagan ng araw, dahilan upang kutyain at pandirihan siya ng ibang tao kaya hindi siya nabiyayaan ng maraming kaibigan. Pero iba si Joshua. Handa itong protektahan at ipagtanggol siya sa kahit sino, ano man ang nakataya para sa binata. And Jammy thought they had something special. Ngunit isang araw, may nalaman siya mula kay Joshua na nakasakit nang sobra sa kanyang damdamin. So she decided to leave him without saying goodbye. Years later, they met again. Kilala na si Jammy bilang ang sikat na si 'DJ Heart' sa radyo at hindi niya inaasahang makakasama niya sa trabaho si Joshua. Nagpaliwanag ang binata sa totoong nangyari at inaming mahal siya nito mula pa noon. Pero naroon ang pag-aalinlangan ni Jammy na tanggapin muli si Joshua sa buhay niya. Dahil natuklasan niya ang kanyang totoong pagkatao. At kapag nalaman iyon ni Joshua ay malamang na ito naman ang lumayo sa kanya.
NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 75,377
  • WpVote
    Votes 1,470
  • WpPart
    Parts 18
"Bale-wala sa akin ang anumang haharapin ko para bumalik ka sa akin. Alam kong mahirap pero hindi ko kayang isuko ka nang basta-basta nang hindi man lang lumalaban." Dahil sa biglaang pagkamatay ng mga magulang, pinili ni Rakel na manirahan sa lola niya sa San Alfonso. Doon niya nakilala ang isang delinquent student sa kanilang eskuwelahan na walang ibang pinagkaabalahan kundi ang tumugtog ng gitara at kumanta-si MJ. Dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, naging malapit sila sa isa't isa at lubusang nakilala ni Rakel ang binata na walang ibang pangarap kundi ang maging isang singer. Pero dahil sa murang edad, marami ang humadlang sa kanilang pag-iibigan at di-nagtagal ay nagkahiwalay sila ng landas. Sampung taon ang lumipas at may kanya-kanya na silang buhay. Si Rakel, isa nang journalist at malapit nang ikasal sa boyfriend niyang si Wallace. At si MJ, isa nang sikat na vocalist ng isang international rock band. Pero naging mapagbiro ang tadhana dahil muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At sa pagkakataong iyon, haharapin na nila ang anumang hadlang para maituloy ang naudlot na pag-iibigan.
When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 126,507
  • WpVote
    Votes 2,621
  • WpPart
    Parts 12
Nang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the most indulgent man she had ever met. Pinasasaya siya nito kahit sa mumunting bagay na ginagawa nito para sa kanya. Pakiramdam din niya, kapag kasama niya ito ay walang sinumang puwedeng makapanakit sa kanya. She was not born yesterday. Alam niya kung saan hahantong ang nangyayari sa pagitan nila. The attraction was too strong to resist. May malaki nga lang problema: she was already engaged to be married.
My Sweet Surrender COMPLETED (Precious Hearts Romances - 2012) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 117,330
  • WpVote
    Votes 2,334
  • WpPart
    Parts 11
"Akala ko, sa panaginip ko na lang uli mahahawakan ang kamay mo. Akala ko, kailangan ko nang matulog maghapon at magdamag para lang makita kita uli." Tuliro si Margaret. Bukod kasi sa ipinamanang sandamakmak na utang sa kanya ng ama niyang sabungero, inirereto pa siya ng madrasta niya sa isang amoy-lupang pinagkakautangan din nila. Wala siyang balak ipambayad ang sarili niya sa utang! Mabuti na lang at nakilala niya si Jedi-ang guwapong lalaking itinuro niyang boyfriend niya upang tantanan siya ng kanyang madrasta. Walang pag-aatubiling tinulungan siya nito. He was kind, lovable, and, oh, so caring. Hindi nakapagtatakang nahulog ang loob niya rito. Binale-wala niya ang kaalamang katulad ng kanyang ama, sabungero din si Jedi. Ngunit nang mas makilala pa niya ito, nag-alinlangan ang kanyang puso...
WORTH THE WAIT (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 99,310
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 13
Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment. Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo. Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan. Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya-mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya...
The Obnoxious Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 88,721
  • WpVote
    Votes 1,679
  • WpPart
    Parts 11
Pagdating sa pag-ibig ay may dalang kamalasan si Aika. Sa tuwing kasi mai-in love siya ay lagi na lang dead-end ang kinahahantungan ng buhay pag-ibig niya kaya hanggang crush lang ang status na puwede niyang ilaan sa mga kalahi ni Adan. Kaya nang masaksihan niya ang pagkakabasted ni Migi ng girlfriend nito ay awang-awa siya sa guwapong nilalang. Bigla siyang tinopak ng pagiging Good Samaritan niya. Pero kung siya rin naman kasi ang tatanungin, iyon na siguro ang pinaka-lame na proposal na nasaksihan niya sa buong buhay niya. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay pinayuhan niya ito. "Oh really? Why don't you show it to me then?" Ano raw? Pikutin niya pa ito, eh. Why not!
ALL I ASK OF YOU (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 88,935
  • WpVote
    Votes 1,472
  • WpPart
    Parts 11
"I love you like I find myself smiling every time I think of you and your silly antics." Isa lang ang naging pangarap ni Chelsea mula nang makilala niya ang perfect pitch at music genius na si Kristoff Miranda: Ang mahalin siya nito at pawiin ang lungkot sa berdeng mga mata nito, pati sa mga tugtuging nililikha nito. Kaya sinikap niyang mapalapit kay Kristoff sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Sa huli, si Kristoff din ang sumuko. Naging malapit sila at na-in love sa isa't isa. Pero ang katuparan pala ng pangarap ni Chelsea ay pagkasira ng pangarap ni Kristoff na sumikat sa buong mundo nang tanggihan nito ang scholarship offer sa abroad dahil ayaw raw nitong mapalayo sa kanya. Pero hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Walang maaaring humadlang kay Kristoff sa pagtupad ng pangarap nito, kahit na siya pa iyon!