astrodee
- Reads 2,241
- Votes 149
- Parts 14
Isang planeta (astrorare) ang binubuo ng anim na distrito. Ang Rose Hip District, Cranberry District, Mulberry District, Whiteberry District, Blueberry District at Blackberry District.
Ang Reyna ng mga bampira na si Dresila'y walang awa kung pumatay ng mga kababaehan, mahanap lang ang prinsesang ipinanganak ng alas-dose ng hatinggabi. Ang twelve midnight princess ang lunas para sa kaniyang walang hanggang kagandahan, pagkabata at buhay.
Ang prinsesa lamang ang may kakayahang talunin si Dresila, kailangang makuha ng prinsesa ang brainetic wand sa kamay ni Dresila upang magawa ang ritual, ito ay ang pagpatak niya ng dugo sa brainetic wand mula sa kaniyang palad. Kapag napatakan niya na ng dugo ang wand, ang buhay niya ay nakasalalay na dito, makakaramdam siya ng sobrang panghihina at hindi maigagalaw ang buong katawan.
Kailangang itusok sa puso ng reyna ang wand at ang maaari lamang gumawa nito ay ang kabiyak ng puso ng prinsesa na si Jio Morrison. Bago sumapit ang gabing bilog ang buwan, dapat na hindi mabigo si Jio sa pagpatay sa reyna dahil mamamatay ang prinsesa at maghahari ang kasamaan ni Dresila.
Ngunit paano kung biglang malaman ni Jio na si Dresila ay ang kaniyang pinakamamahal na babae?