HeartYngrid's
8 stories
Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 377,746
  • WpVote
    Votes 9,748
  • WpPart
    Parts 35
Si Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya ang mga iyon nang second hand sa online selling sites. Kaya ganoon na lamang ang pagkamangha ni Ailene nang malamang isa pala siya sa illegitimate children ng unico hijo ni Don Alfonso Banal-ang pinakamayamang tao sa Mountain Province. At may pito pala siyang half-sisters! Lahat sila ay pinamanahan ng kanilang lolo ngunit may iba't-ibang kondisyong hinihingi sa last will ng matanda bago nila makuha ang kani-kaniyang mana. Ang kondisyong hinihingi kay Ailene ay isang malaking challenge sa kanyang pagkatao. Kinakailangan niyang ma-survive ang Sagada adventure! Paano niya kakayanin ang mag-trek sa mga bundok at mag-explore sa mga kuweba kung isa siyang full-pledged city girl na may zero appreciation sa nature at punung-puno ng kaartehan sa katawan? Kailangan ni Ailene na maka-survive sa wilderness para makuha ang mana. Pero maka-survive din kaya ang puso niya sa guwapo niyang tour guide na mukhang may sekreto sa pagkatao? ***This is the unedited version so you might encounter some typo and grammar errors ***A few scenes were deleted so you better buy the published book LOL
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 184,310
  • WpVote
    Votes 3,627
  • WpPart
    Parts 28
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid
All I Want For Christmas Is You [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 71,478
  • WpVote
    Votes 3,078
  • WpPart
    Parts 28
This Christmas... someone is about to be stranded in an island with the man of her dreams. **UNEDITED VERSION** **PUBLISHED LAST 2015**
How To Kiss A Guy [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 59,066
  • WpVote
    Votes 1,884
  • WpPart
    Parts 11
Head over heels si Bianca kay Raf pero hindi siya pansin nito. When she learned the best way to his heart was to learn how to play the guitar, kinulit niya ang kuya niya upang turuan nito. Hindi ito pumayag at sa halip ay inirekomenda ang dating bandmate na si Radd. Maisip pa lang niya ang pagmumukha ni Radd ay umaalingawngaw na sa magkabilang tainga niya ang mga salitang mayabang, bastos, at babaero. Pero wala siyang choice kundi makibagay rito kung sa huli ay mapapansin naman siya ni Raf. Pero hindi lang pala ang paggigitara ang kailangang matutuhan niya. Because Raf wanted a good kisser, too. She had never been kissed, for Jude s sake! At dahil ito ang gusto niyang maging first boyfriend niya, kailangan niyang matutong humalik. Paano at sino ang magtuturo sa kanya? Oh, no! It couldn t be Radd, too!
Wishing For A Star [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 78,056
  • WpVote
    Votes 2,574
  • WpPart
    Parts 30
When she wished upon a star, she wished for a movie star. *UNEDITED*
JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 52,818
  • WpVote
    Votes 1,690
  • WpPart
    Parts 11
*RAW & UNEDITED (so excuse the errors) *Wattpad version Malaki ang kasalanan ni Jela kay Jacob. Sa takot na gantihan siya, pinagtaguan niya ito. Hanggang sa magkrus uli ang mga landas nila pagkalipas ng ilang taon. Nakakita si Jacob ng alas na puwedeng ipang-blockmail sa kanya kaya naging sunod-sunuran siya sa bawat gusto nito. Mula sa pagiging production assistant, na-demote si Jela sa pagiging errand girl ng demanding pero oozing with sex appeal na binata. Inis na inis siya dahil wala siyang magawa para kontrahin ang gusto nito. Pero aakalain ba niyang isang araw, buong pusong susundin niya ang lahat ng gusto ni Jacob kung ang ibig sabihin niyon ay makakasama niya ito?
STARR, The Bratinella (St. Catherine University Series Book #4) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 43,831
  • WpVote
    Votes 1,408
  • WpPart
    Parts 10
Starr hated Jerry. Dahil sa sobrang inis niya rito ay tumakbo siya bilang presidente ng student council ng engineering upang kalabanin ito. Sa lalong pagkainis niya, pinagtawanan siya nito at minaliit ang kakayahan niya. Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para matalo ito. Pero nang minsang muntik na siyang mapahamak, iniligtas siya nito. Mula noon, tuwing malalagay siya sa kapahamakan, lagi itong naroon para iligtas siya. Kaya ang gamansiyon na inis niya rito, unti-unting naging bahay-kubo. At tuluyan nang nagiba ang "bahay-kubo" nang lalo itong bumait at naging maalalahanin sa kanya. Hanggang isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili na in love na rito. Kaya ang plano niyang maging presidente ng student council ay biglang nabago at naging "first lady ng presidente ng student council..." *RAW AND UNEDITED*
CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 39,685
  • WpVote
    Votes 1,339
  • WpPart
    Parts 12
*RAW AND UNEDITED VERSION* Claudette was the campus queen bee. Siya na yata ang pinakamaldita sa buong SCU. But because she was beautiful and popular, she could always get away with anything. Akala ng mga tao, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin. Pero ang totoo, ang pinakagusto niya ay hindi niya makuha-kuha. She had been pining for Jerry Genares since the first time she saw him, but he avoided her like the plague. Hindi makakapayag si Claudette na hindi mapasakanya si Jerry. Pero nang sa tingin niya ay malapit na niyang makuha si Jerry, may isang lalaking nanggulo sa mga plano niya-si Morris, ang pinsan ni Jerry na tutol sa pagsinta niya sa pinsan nito. Dinala siya ni Morris sa isang isla para ilayo kay Jerry. Tuturuan daw siya nito ng leksiyon para ma-realize niya ang mga pagkakamali. Pero bukod sa leksiyon na sinasabi ni Morris, may iba pang natutuhan si Claudette habang kasama niya ito: ang ibigin si Morris nang higit pa sa naramdaman niya para sa pinsan nito.