KUJISEEH
Mula sa kaharian ng Enchantra. Makikita ang apat na makikisig na prinsipe ng apat na elemento ng mundo. Si Ariano, ang prinsipe ng hangin at ang nangangalaga ng espada ng katarungan. Si Abaro, ang prinsipe ng Lupa at ang nangangalaga sa espada nag katapangan. Si Aguano, ang prinsipe ng tubig na nangangalaga naman sa espada ng kapayapaan at si Aporo ang prinsipe ng apoy na nangangalaga sa espada ng kagitingan. Silang apat na prinsipe ang mga mangangalaga sa kapayapaan ng Enchantra.