Werdnakram
Ang Pakikipagsapalaran ni Werdnakram:
Ikalawang Aklat
Kabanata 1: "Fuel to the Future"
Mahigit dalawapung taon na ang nakakalipas, isang siyentipiko sa Butuan City sa Mindanao ang nag-hypothesized na isang napakalaking deposito ng deuterium ang matatagpuan sa Philippine Deep, na matatagpuan sa karagatan ng Surigao. Una itong nadiskubre ni Harold Urey noong 1932, isang American Chemist.
Ang Philippine trench, ang pinakamalaki sa buong mundo ay may 868 milya ang haba, 52 milya ang luwag sa pinakamalapad na bahagi at 2 milya ang lalim sa pinakamalalim na bahagi kung saan ito ay 10.057 kilometro below sea level. Ang Deuterium ay makukuha mula sa lalim na ito na mahigit 7 kilometro below sea level sa ilalim ng 10,000 psi of ocean pressure, na pinapalitan ng kalikasan sa loob ng 24 oras sa isang araw mula sa Central America patawid sa malawak na Pacific Ocean. Ang kamangha-manghang bagay tungkol sa deuterium ay ito: na kung nasa room temperature o normal atmospheric pressure, ang deuterium atoms ay nae-electrolyzed na natural mula sa tubig na naglalabas ng hydrogen gas. Ang natural na napakapambihirang prosesong ito ay hindi nangangailangan ng magastos na electric power consuming electrolysis para artipisyal na maihiwalay ang hydrogen mula sa oxygen sa ordinaryong tubig. Sa kasalukuyan, ang deuterium ay ginagamit sa produksyon ng hydrogen (Li-Hy) fuel na ginagamit na ngayon sa Canada, Amerika, Alemanya at sa iba pang mga parte ng Sweden upang magbigay ng fuel para sa mga kotse, trak, jet planes, kasama na ang solid hydrogen para sa mga spacecrafts Challenger at Columbia.