iamMissPopular
Langit siya, bituin ako.
Oh di ba bagay na bagay?
Isa lang naman ang problema.
Singer siya.
at fan lang ako.
E ano naman? Masama bang ma-inlove sa taong iniidolo mo kahit alam mong walang patutunguhan ang ilusyon ko?
Paano na lang kapag ako na fan niya ay maging PA niya?
"Hoy babae! Sinong nagsabing pwede kang dumaldal sa oras nang trabaho?!"
"Wait lang young master! Bini-build up ko pa ang kabaitan mo. ^__^//"
Kyaaaaaa!!!! Wait, tinatawag na ako ng amo ko. Grabe, boses niya palang buo na ang araw ko.
"Hoy, dalian mo!"
"Opo, young master!"
Oh sya, tawag na ako ni idol.
Basahin niyo na lang ang kwento ng lovestory ko nang maka-relate kayo.
^___^