RainJanell
Nang iwan ni Micha ang pilipinas ay nangako syang babalik bilang ibang tao. Isang bagong Micha na kakatakutan at pangingilagan ng lahat. Isang bagong Micha na matapang at hindi papa-api.
Kaya naman ngayong babalik na sya makalipas ang limang taong pag-sstay sa Amerika ay sinigurado nyang handa na ang bagong siya.
Handa nang harapin ang mga bagay na iniwan nya. Handa nang gumanti at makipagsabayan sa mga taong nang-alipusta sa kanya noon. Kasama na doon ang kanyang bruhang pinsan na inagaw ang boyfriend nyang mukha pera.
At ang nag-iisang lalaking minahal nya pero piniling durugin ang puso nya at ipagpalit sya sa iba.
Handa na sya, handa na syang makipag-laro sa mga ito. Handa na syang ituloy ang gyerang sinimulan ng dalawa, five years ago.