JohncarloGobres
Kay lungkot mabuhay sa pamilyang hindi buo,
'Pagkat 'di rin buo ang aking pagkatao.
Kay lupit naman yata ng mundo,
Mundong pinapaikot lang ako
Ako na palaging talo
Dahil sa laban ng buhay ay mag-isa lang ako.
Mag-isang pinapasan ang bawat problema,
Mag-isang nagdadalamhati at nagdurusa,
Mag-isang nalulungkot walang may balak sumama.
Wala
Wala sila.
Pakiramdam ko'y wala akong ama't ina
Dahil may kanya kanya na silang pamilya,
Pamilyang hindi ako kabilang
Pamilyang hindi ako tatanggapin kailanman.
May kanya kanya na silang buhay
Habang ako'y napag-iwanan.
Madaya ang kapalaran,
Kapalarang patuloy akong pinaglalaruan,
Hindi ko man lang maramdaman ang kalinga ng aking mga magulang
Wala na
Wala nang pag-asang bumalik pa ang dating masaya kong pamilya,
Hindi na ulit magiging masaya ang aking umaga
Masyado nang malamig ang gabi ko 'pagkat wala na akong mama at papa.
Wala na akong pamilya.
Siguro panahon na para itigil ko ang aking paghinga.
Habang unti-unti akong nawawalan ng ganang mabuhay,
Narinig ko ang boses na nagsilbi kong patnubay.
Mula sa itaas ang boses Niya'y nagbigay sa'kin ng kulay,
Nagkaroon muli ako ng pag-asang mabuhay.
Kaya ko pa palang magtagumpay,
At maging masaya talikuran man ako ng mga mahal ko sa buhay,
'Pagkat mayroon pa pala akong Diyos at Siya ay ang Ama kong tunay.