ZACHNIHERPEREZ's Reading List
8 histórias
Sexy and Dangerous (COMPLETED) de MarthaCecilia_PHR
Sexy and Dangerous (COMPLETED)
MarthaCecilia_PHR
  • Leituras 1,090,849
  • Votos 26,213
  • Capítulos 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
Nagmahal Sa Maginoong Manyak de Miss_Think
Nagmahal Sa Maginoong Manyak
Miss_Think
  • Leituras 17,324
  • Votos 327
  • Capítulos 24
Huwag nating gawing besahan ang panlabas na anyo ng tao dahil may mga taong may kaaya-ayang mukha pero masama ang ugali. Meron ding maginoong tignan pero may angking kamanyakan. Minsan nakakainis ang walang modo at manyak na lalaki na kalahi ni Adan pero paano kung sa pagkainis mo, hindi mo mamamalayan na unti-unti ka nang nahuhulog? Ano ang kakahantungan sa magmamahal mo isang maginoong manyak? Magtatapos ba ito sa pagdadalang-tao o magtatapos sa sakit sa puso? Mamahalin mo ba ang isang katulad niya hanggang sa huli?
Unang Halik de AngTagapagpaalala
Unang Halik
AngTagapagpaalala
  • Leituras 399
  • Votos 13
  • Capítulos 1
A short poem dedicated to all MaiChard Fans. From #ALDUB32ndWeeksary
Manhid ang Crush ko de Enitz99Mar
Manhid ang Crush ko
Enitz99Mar
  • Leituras 23,205
  • Votos 567
  • Capítulos 5
Nakilala ko siya sa dati Kong paaralan nang ako ay sumali sa isang patimpalak. Siya ay isa rin sa mga kalahok ng nasabing patimpalak.. Nagsimula dun ang aming pagkakaibigan, nagkapalitan ng cellphone #, nagkatext at nagka chat sa facebook, subalit hanggang dun lang ang aming koneksyon sa isat isa. Makalipas ang isang taon lumipat ako ng paaralan sapagkat nadestino ang aking daddy na pulis sa Manila.. At doon muli ko siyang nakita.. Sobra akong natuwa ng mga sandaling iyon.Napakasaya ko ng malaman Kong magiging schoolmate ko siya.. Mula noon palagi kaming nagkakasama tuwing tanghalian.. Lumipas ang ilang buwan at di ko maitatangging nahuhulog na ang loob ko sa kanya dahil sa kanyang angking bait at kagwapuhan.. CRUSH ko na nga siya at nageeffort akong mapansin niya kahit minsan. Hanggang sa naisipan Kong umamin sa kanya ngunit nakita Kong may iba siyang kasama at ang masaklap hinalikan niya ang babaeng ito.... Iyon ang unang heartbreak na aking naranasan at ang daming tanong na lumutang sa aking isipan... May pag-asa pa ba ako sa kanya? Bakit diba niya naramdaman na gusto ko siya? Bakit MANHID ang crush ko? at ang dami pang bakit na tanging siya lang sana ang makakasagot .. Ngunit may iba na siya..
FORGET ME NOT [COMPLETED] de oharafatimaphr
FORGET ME NOT [COMPLETED]
oharafatimaphr
  • Leituras 154,449
  • Votos 2,268
  • Capítulos 36
Nagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng kanyang kasal ay kusang loob siyang pinatakas ng ama. Hindi na daw baleng mawala sa kanila ang dalawang properties basta't huwag lamang siyang matali sa kasal na gagawin lamang miserable ang kanyang buhay. Pumayag siya, ngunit sa kanyang pagtakas, nanakaw ang kanyang bag na naglalaman nang lahat ng kanyang pera, at aksidente pa siyang nabangga. Nang magising sa hospital ay isang lalaking nagngangalang Lyndon Buenavista ang unang bumungad sa kanya. Nagpapakilala ito bilang lalaking siyang nakabangga sa kanya. Sa unang pagkikita palang ay kakaiba nang atraksyon ang naramdaman niya para rito. Inako nito ang lahat ng responsibilidad nang nangyari sa kanya at nagprisinta pa na ihahatid siya pabalik sa kanyang pamilya. Wala na siyang pera, walang matutuluyan, at hindi rin siya maaring bumalik ng kanilang Rancho. Nang dahil doon ay napilitan siyang magpanggap na nagkaamnesia para pansamantalang kupkupin siya nito. Sa kanilang pagsasama sa iisang bubong, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't-isa, hanggang sa mamalayan niyang mahal na pala niya ang lalaki. Subalit hanggang saan nga ba siya dadalin ng pagmamahal na iyon ngayong natuklasan niya na gaya niya, mayro'n din itong bagay na tinatakbuhan mula sa nakaraan nito?
WAY BACK TO YOU de ZindyRivera
WAY BACK TO YOU
ZindyRivera
  • Leituras 106,694
  • Votos 1,435
  • Capítulos 10
"Gusto kong maging asawa kita. Gusto kong maging akin ka. Dahil ayaw kong may ibang lalaking lalapit sa 'yo. Dahil mahal kita." Ilang linggo matapos pumayag ni Madelyn sa lihim na pagpapakasal nila ni Shenn ay bigla na lang nawala ang lalaki. Nang puntahan niya ang lalaki sa bahay nito ay nalaman niyang nagpakasal uli ito sa ibang babae. Napuno ng galit ang kanyang puso dahil sa nalaman. At dahil doon ay ipinangako niya sa sarili na kung muling magkukrus ang kanilang mga landas ay ituturing niya itong mortal na kaaway. Ngunit makalipas ang pitong taon, nang muling matikman ni Madelyn ang halik ni Shenn, ay nawalan siya ng kakayahang magalit dito. It was as if her anger was burned with his kiss. At napalitan iyon ng pananabik. Doon niya napatunayang mahal pa rin niya si Shenn, after all the pain he had caused her. And damn Shenn for making her love him again! -
Car Wash Boys Series 4: Rod Jester Labayne de Juris_Angela
Car Wash Boys Series 4: Rod Jester Labayne
Juris_Angela
  • Leituras 80,174
  • Votos 1,631
  • Capítulos 10
Sa pagdaan ng mga araw, minahal kita. Hanggang sa naging mahal na mahal na kita. Hanggang sa hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Teaser: Kamille is a Chinese-Filipino, with a family who believed in an old tradition on arranged marriage. And she hates it. Dahil ang tradisyon na iyon ang naging dahilan upang mawala ang matalik niyang kaibigan at lalaking minahal niya, si Adrian. At dahil doon, nag-rebelde siya. At sa pagkawala nito, gusto niyang labis na pagsisihan na hindi niya ito naipaglaban noon. Nawala ito ng hindi man lang nito nalalaman ang tunay niyang damdamin para dito. Hanggang sa makaramdam siya ng kapaguran sa mga nangyayari sa buhay niya. Umalis siya sa kanila at nagpunta sa kaibigan niya si Sam. Nang mapadpad siya sa Tanangco, doon nakilala niya si Jester. Binalik nito ang mga ngiti sa labi niya, ang saya sa puso niya. Tinunaw nito ang nakabalot na yelo sa puso niya. Sa paglalim ng pag-iibigan nila, tila nauulit ang nakaraan. Kaya pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaan pang mawala ito muli. Ipaglalaban niya si Jester.
The Tanangco Boys Series 9: Justin Karl Chua de Juris_Angela
The Tanangco Boys Series 9: Justin Karl Chua
Juris_Angela
  • Leituras 103,847
  • Votos 1,727
  • Capítulos 10
Justin and Nancy Jane were childhood sweethearts. Kasama nila ang isa't isa sa lahat ng oras. Magkakampi sa lahat ng bagay. Highschool sila nang mag-desisyon ang mga magulang ni Nancy Jane na mag-migrate sa America. Masakit man ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumayo kay Justin nang hindi nasasabi dito ang tunay niyang damdamin. Sampung taon ang nakalipas nang kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Ganoon na lang ang gulat niya na sa kanyang pagbalik, iba na ang Justin na dinatnan niya. Kasabay niyon ay ang muling pagbangon ng inakala niyang pagmamahal para dito na matagal nang naglaho. Pero mukhang huli na ang lahat para sa kanya. Dahil, may iba nang nilalaman ang puso nito. Dapat pa nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig para sa lalaking una't huli niyang mamahalin? O hahayaan niyang mawala ito sa ikalawang pagkakataon?