ecnalcortex
- Reads 8,124
- Votes 167
- Parts 36
Akala mo, kilala mo na siya. Ang
SEMINARISTA
dapat banal. Mabait. Bukas-palad. Kawangis ni Kristo.
Iyan ang kwento nilang paulit-ulit na isinusubo sa iyo.
Pero... paano kung ang lahat ng inaakala mong katotohanan ay isang kasinungalingan?
At ang pinupuri ng lahat... ay may itinatagong kadiliman?
Tahimik. Disiplinado. Huwaran sa mata ng seminaryo.
Ngunit sa likod ng kanyang mga dasal, may bumubulong.
Sa likod ng kanyang ngiti, may nagmamasid.
Isang lihim na kaytagal nang nakakubli.
At kapag ito'y tuluyang lumitaw, hindi lang ang kanyang bokasyon ang masisira...
kundi ang pananampalataya ng lahat ng naniwala sa kanya.
Sa seminaryo, hindi lang isip ang sinusubok.
Minsan, ang pinakamagaling magtago sa dilim-
ay 'yung marunong ngumiti sa liwanag.
Sa seminaryo, hindi lahat ng nagdarasal ay banal.
Minsan, ang pinakamalinis na kasuotan ay may pinakatagong dungis
Secrets and Lies Beneath His Habit.